Chapter 28: Get Ready!

2K 21 0
                                    


CHAPTER 28
SAINT'S P.O.V

"Once na mahuli ako, idadamay ko kayo." Seryoso niyang pagkasabi.

     "Of course! Sama-sama tayo rito. Kung ano man ang mangyari, walang mag-iiwanan." Kumento ni First na may pekeng ngiti sa kaniyang mukha.

     "Finally! Nagsalita ka na rin, First." Kumento ko. Nagtawanan lang kaming lahat.

     "Blend in, Bright. Iyon ang kailangan mong gawin para hindi ka nila mamukhaan and don't use your pin na binigay sayo para hindi nila mahalatang Star Captain ka." Paliwanag niya.

     Tumango si Bright na halata mong sang-ayon na ito sa mga plano. Kanina kasi hindi maipinta ang mukha sa inis niya kay Krist. Buti nalang napakalma rin siya ni Arissa.

     "Anong oras ba tayo kakausapin bukas? Saan banda nakalagay?" Sunod-sunod niyang tanong.

     Umikot si Krist palapit sa kaniya bago nagsalita. Nakikinig lang kami sa usapan nilang dalawa. "Naaalala kong malapit iyon sa lamesa noong nakita namin ni First. Pure Black ang kulay at 'yon ang kuhanin mo. Huwag kang magpahalata sa mga makakakita o makakasama mo sa loob at ako nang bahala sa white folder para makapasok din tayo sa ibang mga quarters dito sa campus."

     Mas naging detalyado na ang bawat plano namin ngayon. Ang kailangan lang talaga namin ngayon ay gawin ng maayos lahat ng sinasabi ni Krist. Siya lang ang nakakaalam. Si Bright lang din ang pag-asa namin sa ngayon kaya sana'y hindi na pumalpak.

     "Ano bang laman ng mga folder na sinasabi mo, Krist?" Arissa stared kay Krist habang patuloy na nagi-scribble ng kung ano-ano sa pirasong papel na napulot niya kanina.

     "Medical Records nating pito." Napamulagat kaming lahat dahil sa sinabi niya. Paanong may copy ang Principal ng mga Medical Records namin? Para saan?

     "Imposible 'yan!" Sigaw ni Audrey. "Kasama akong nagbigay sa mga nurses and Doctors na nagcheck up sa atin ng mga Medical Records. Ang Principal mismo nagpabigay sa amin non sa kanila."

     "Come to think of it, Audrey. Are you sure na walang ibang copy ang Principal noong binigay niya ang folders sa inyo? Wala, 'di ba? Kaya possible na yung medical record na hawak niyo ay second copy lang dahil nasa kaniya ang original." Si Krist naman ang nagsalita.

     Hindi ako makapaniwala. Paanong napagdudugtong-dugtong ni Krist ang mga bagay tungkol sa mga plano namin. Pati na rin yung mga Medical Records na hindi ko alam kung bakit may copy sila.

     Lumapit ako kay Krist para magtanong. Sigurado ako na alam niya rin ang sagot sa itatanong ko base na rin sa mga sinabi niya kanina. "Bakit may record silang ganon?"

     "Pinag-aaralan tayo ng Principal but I don't know the reason why. Andon lahat ng mga records nating lahat na Star Captain. Tayo lang ang may records don sa office niya kaya nakakapagtaka." Huminto si Krist.

     Tumayo si First at lumapit din sa kaniya. "Malalaman din natin kung anong totoo sa likod ng mga records na 'yon kapag nakuha na ni Bright lahat ng folder na may laman na Medical Records nating lahat."

     "Ako ng bahala ron. Kailangan ko lang gumawa ng paraan kung paano makakapunta at makakapasok sa office ng Principal nang hindi nahuhuli." Wika ni Bright. Ramdam ko ang kaba sa tono ng boses niya. Hinagod-hagod ko muna ang likuran nito para mabawasan ang kaba.

     "Buti hindi kayo nahuli kanina. Mas lalo tayong mapapahamak kung isa sa atin ang papalpak. Damay-damay tayong lahat." Kumento ni Audrey.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon