Chapter 13: Hand Gesture

2.9K 23 0
                                    


CHAPTER 13
KRIST'S P.O.V

     Natatawa nalang ako sa pagmumukha nilang lahat. Masyado nilang sineseryoso ang laro ngayon. Alam naman nating lahat na isa lang ang mananalo.

     Sinundan ko sila ng tingin bago umalis. Hindi na bago sa akin ang maging mag-isa. Sanay na ako.

     "Anong plano mo, Krist?" Tanong sa'kin ng announcer. Kanina pa pala siya nakatingin sa'kin ng hindi ko napapansin. Well, hindi ko talaga siya mapapansin dahil hindi naman siya nagpakita sa'min una pa lang.

     "You will see." Sabi ko kahit hindi ako sigurado kung maririnig ba ako.

     Wala na talagang ibang clue na andito sa loob maliban sa bulletin board na nakita ni Saint kanina. May nakita rin akong maliit na Map na nakadikit sa bulletin board kanina. It's a map of a school at nasa gynasium kami. Kaya pala nakapagtataka ang laki ng lugar.

     Masyadong malaki 'tong hell booth kaya hindi ako pwedeng maligaw. Wala akong dapat ubusin na oras. Papatunayan ko sa kanila na hindi ko kailangan ng kasama para manalo.

     Tiningnan ko rin ang mannequin na asa harapan ko pero wala talaga akong clue na makita. "Guys, naka-lock din ba pintuan diyan sa Laboratory?" Arissa Asked. Pinapakinggan ko lang sila habang nag-uusap.

     Lahat ng walkie talkie namin ay connected sa isa't-isa kaya maririnig lahat ng pinagu-usapan namin kung sakaling meron man.

     "No. Sira ang doorknob ng Laboratory kaya mabilis kaming nakapasok. Diyan ba?" Tanong ni Audrey.

     "It's locked. May mga codes na kailangan buksan. Marunong ka sa hand signature 'di ba?" Tanong ni Chimon kay Audrey. "There's a lot of hand sketches here na nakadikit. I think these is the other clues."

     "I-check mo muna kung may mabubuo ba diyan sa hand gestures na 'yan kapag pinagsama-sama." Sagot ni Audrey.

     As far as I remember, nag-aral ng hand gestures si Audrey dati kaya may alam siya sa mga hand gestures. Ina-ral niya ito para sa kapatid niyang may kapansanan na hindi makapagsalita at makarinig.

     Natatawa nalang ako habang pinapakinggan sila habang nagtutulungan. Darating din ang araw na mas kailangan niyong pumili between yourself and friendship.

     Biglang nagkaroon ng isang puntos si Chimon.

     Damn it. Naunahan na naman ako.

     "Wait— Krist? Krist are you still there?" Rinig kong tawag ni Arissa. Kailan pa naging concern sa'kin 'to? Hindi muna ako sumagot. "Krist? Come on. Speak up."

     Sasagot na sana ako pero biglang nagsalita si Bright sa kabilang linya. "Bakit ka ba kasi concern sa lalaki na 'yan? Look, iniiwasan niya tayo, 'di ba?"

     Bright has a point. Iniiwasan ko talaga sila. Ayoko sa kanila in short. Hindi dahil kaaway ko sila kundi ayoko lang madamay sa kanila. They has a lot of secrets na hindi ko alam at wala akong oras para alamin 'yon.

     "Stop talking to me, Arissa. Wala akong pakialam sa inyo." Sandali kong pinatay ang walkie talkie bago tuluyang maglakad palabas.

     Dumiretso agad ako sa Library.

****
ARISSA'S P.O.V

     Pagkadating namin nila Chimon sa harapan ng Art Room agad namin napansin ang mga sketches na hand gestures na sama-samang nakadikit sa pintuan.

     "It's locked. Paano 'to?" Tanong ni Bright. Nakatayo sa tabi ko sa Chimon habang nakatingin din sa sketches na gaya ko.

     "Subukan mo ulit ipasok 'yang hair pin. Baka mabuksan." Sabi ko.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon