Chapter 10: Secrets Reveal

3.3K 28 0
                                    


CHAPTER 10
CHIMON'S P.O.V

     Pagkatapos ng announcement na half day lang ang pasok namin ngayon ay dumiretso na kaming dalawa ni Keann sa Classroom. Wala pang katao-tao ng makarating kami.

     "Ano ng plano mo sa phone ko? Hindi ka rin sumasagot sa tawag ko kagabi." Bungad na sabi sa'kin ni Keann. Umupo muna ako at inilagay ang bag sa likuran. Magkatabi lang kami ng upuan kaya hindi na ako mahihirapang kausapin siya.

     "I'm sorry pero hindi ko namalayang tumatawag ka pala. Hindi na kita naupdate dahil marami akong ginawa at naging busy din kami kagabi." Sagot ko.

     "Kami? Sinong kasama mo?" Napalingon ako sa kaniya. Dapat ko na bang sabihin? Lumipas ang ilang segundo bago ako nakapagsalita.

     Ayokong magsinungaling. "Sina Saint at Arissa, mga kapwa ko Star Captain ng ibang section."

     Napatingin ako sa mga estudyanteng pumapasok sa room. "Anong ginawa niyo?"

     "Nag-usap lang kami tungkol sa dalawang lalaki nakita natin kahapon sa locker area." Sagot ko.

     "Ano daw ibig sabihin ng papel na sinusulat nila?" Tanong niya.

     "Hindi ko pa malaman ang buong detalye sa ngayon. Inaalam pa namin nila Saint. I'll give you an update para aware ka rin. And by the way, your phone pala ay makukuha mo na rin mamaya. Thank you for helping me."

     "Walang problema don, Tol."

     Naputol ang usapan namin ng mapansin ko sa bintana si Ms. Amanda na naglalakad. Um-ayos kaming lahat ng upo. Walang nagsasalita ni isa sa amin.

     "Goodmorning students of Grade 10-Section 2." Bati niya sa'min ng tuluyang makapasok sa loob ng room.

     Nakatingin lang kami sa kaniya. Walang nagsasalita. Nakasuot siya ng isang fitted na uniform na kulay puti. Mga typical na makikita mong sinusuot ng mga Guidance Council. Hindi ko masyadong makita ang hawak niya.

     "I saw a cellphone in the lost and found box next to Mr. Eladio Torillo's Office. Someone dropped it there. Sinong nakawala ng cellphone sa inyo? Anyone?"

     Nagkatinginan kami ni Keann. Nakakapagtaka lang na bakit alam ni Ms. Amanda na mayroong nawawalan ng cellphone sa section namin. "Walang nagke-claim kanina and since kayo nalang ang hindi ko pa napagtatanungan, baka may may-ari sa inyo nito."

     Um-iba ako ng tingin ng mapansin kong nakatingin siya sa amin ni Keann. Hindi ko alam kung bakit nakatingin siya sa aming dalawa.

     "Sa akin po 'yan Ma'am." Napalingon ako kay Keann. Halatang kinakabahan din siya. "Next time ingatan mo na 'yang cellphone mo. Hindi lahat ng tao nabibilan niyan."

     May kung ano akong naramdaman dahil sa sinabi niya. Hindi ito ang Ms. Amanda na kilala namin. Kagabi lang ay iba ang ugaling ipinakita niya.

     "Here's your phone Mr. Keann Johnson." Tumayo na si Keann at kinuha ang cellphone kay Ms. Amanda. "You need to be careful." May pagbabanta sa boses niya.

     "Thank you po. Hindi na po mauulit," sabi ni Keann. "And pakisabi din po sa nakapulot na Salamat." Nagtitinginan lang kaming dalawa.

     "You're Welcome." Pagkatapos niyang magsalita lumabas na rin siya agad.

     "Check your phone first. Tingnan mo kung may binago or what. I-check mo rin 'yung recordings kung deleted o hindi. 'Yung mga files and accounts mo, secured 'yon kaya wala kang dapat ipag-alala." Sabi ko. Agad niya namang sinunod.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon