Chapter 8: The Plan

3.8K 35 4
                                    


CHAPTER 8
CHIMON'S P.O.V

     "What are we going to do now?" Saint asked. Nakaupo na siya sa ibabaw ng lamesa ko habang iwinawagayway ang dalawang paa nito.

     "Kailangan natin malaman kung anong nakalagay sa papel at kung kanino niya ito ibibigay or ihuhulog."

     "Do you think na kaya natin ito ng tayong tatlo lang? I'm not into this kind of things Chimon and you know that, 'di ba? Hindi lang ganon ka-conflict 'yung murder case last week kaya napagdugtong-dugtong namin ni First kung sinong pumatay." Huminto siya at tumingin sa labas. Pagkatapos ay itinuon ulit sa'min ang kaniyang tingin. "And besides, buti nalang talaga na-distruct si Krist sa pagiisip ng deductions niya."

     Sinenyasan ko siya na hinaan ang boses nito dahil baka may makarinig sa'ming tatlo. "Lower your voice Arissa dahil baka may makarinig sa'tin dito. Tsaka isa pa, what ever happens in that booth, stays there. Hindi natin pwedeng pag-usapan 'yon kahit saang lugar dito sa School."

     "Really?" Bahagya siyang natawa. Para siyang nagi-inis pa. Hindi ko nalang pinansin. Tumingin nalang ako kay Saint at gano'n din ang reaksiyon ng mukha niya.

     "Tayong tatlo lang naman dito. Hindi rin naman masama na lumabag minsan sa rules and regulations ng School. Hindi ba kayo nasasakal?" Tanong niya sa'min.

     Umiling lang ako. "Para saan pa ang free will kung hindi din naman natin gagamitin, 'di ba?"

     "Ang free will ginagamit sa tama hindi sa mali, Arissa." Kumento ni Saint.

     "I know pero hindi naman tayo maririnig dahil masyadong malakas ang ulan sa labas. Walang ibang makakarinig sa'tin dito kung hindi tayong tatlo lang kaya don't worry guys." Bahagya pa siyang natawa.

     Daig niya si Audrey kung magsalita. Hindi ko alam kung ano bang nakain nito kanina. Pabago-bago ng aura.

     Kumikidlat at kumukulog din sa labas. Ramdam ko dito sa loob. "Mainit mga mata sa atin ng bawat estudyante rito, Arissa. You should be careful sometimes at  kailangan mong magdoble ingat."

     "Ayan ka na naman sa sermon mo. Anong next step natin, by the way?" See? Kanina lang ay tungkol sa kaniya ang pinagu-usapan namin pero ngayon, tungkol sa dalawang lalaki na.

     Iba ka talaga, Arissa. Ano ba talagang personality mo? Ano ba talagang tunay na ugali mo?

     "Tinanggal ko yung password ng cellphone ni Keann bago ko ibinigay sa kaniya para mabilis nilang mabuksan. I hide all the applications except for one— The recorder. Duon nakalagay 'yung recording nilang dalawa."

     "Mawawalan ng privacy ang kaibigan mo dahil sa ginawa mo." Kumento ni Arissa.

     "Don't worry. I make sure naman na secured lahat ng accounts and photos niya. Hindi ko naman ipapahamak kaibigan ko." Pahayag ko.

     Mukhang naliwanagan naman sila dahil sa sinabi ko. Ayoko naman ipahamak kaibigan ko dahil lang sa kagustuhan kong malaman kung anong totoo.

     "Malalaman nila na ni-record mo usapan nilang dalawa. Maghihinala 'yon." Singit naman ni Saint.

     "That's the point, Saint. Kasama talaga 'yon sa lahat ng plano ko kung paano natin mahuhuli o malalaman kung anong sinulat nila, bukas na bukas din ay pupuntahan ko sila at babawiin ko ang cellphone ni Keann sa kanila."

     "Paano mo gagawin 'yon? Paano ka nakakasigurado na sila ang nakapulot non, Chimon?"

     "Kaming apat lang ang tao sa loob ng locker area ng ihulog namin ni Keann 'yung cellphone niya. Walang ibang tao sa loob kundi kami lang." Umayos ako ng pagkaka-upo. "Naunang lumabas ang isang lalaking kasama niya bago kaming dalawa. Binalikan ko 'yung cellphone ng lumabas siya pero wala na. Hindi ko na makita."

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon