Chapter 35: The Two Sides Of A Coin

1.2K 7 0
                                    


CHAPTER 35
CHIMON'S P.O.V

Kanina ko pa napapansin na nakatingin sa akin si Audrey. Halata sa mga titig niya na gustong-gusto niya na akong patayin pero hindi niya lang magawa.

"How pathetic are you.." Sabi ko sa isip-isip ko. "You're not the real player here. Kung tutuusin, salingkit-pusa ka lang dito." Dagdag ko pa.

Hinahayaan ko nalang. Napansin ko ang mga tawanan at kwentuhan ng tatlo; Sina Arissa, Saint, at Bright. Nakatingin lang din sa akin sina Krist at First. Hindi ko maintindihan kung bakit.

Nabaling ang atensiyon naming lahat ng may isa-sang naglabasang lalaki na nakasuot ng pangninja at pumunta sa harapan. Sa tindig at postura pa lang ng galaw nila, you can identify it right away.

"Para sa'n 'to?" Tanong agad ni Arissa but no one can tell. Pare-pareho kaming walang idea kung para saan ba talaga 'to.

"Probably.. baka sa second round." Kumento ni Bright.

Hindi ako kumibo. Nakatitig lang ako sa mga Ninja na asa harapan namin.

Affer a minute biglang may nagsalita. It was the announcer na hanggang ngayon hindi pa namin kilala.

"Players.." Sabi nito.

Nagulat kami ng isa-isang nagsilapitan ang mga Ninja sa tabi ni Audrey. Halos mangiyak na ito dahil hindi alam ang gagawin. Kinakabahan at natatakot.

"Ms. Audrey Miles Esquivel is eliminated for this round and will no longer solve any mystery murder case."

Sa pagkakataon na 'yon hawak na nila ang kamay ni Audrey. Nagpupumiglas ito. Bakas sa mukha nito ang takot habang hawak siya ng mga ito.

Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko. Pinipigilan kong maiyak. Ayokong ipakita sa lahat na mahina ako pagdating sa ganito. It brings my trauma again in the past few years of my existence na ayoko na ulit mangyari.

"This is not my fault.. this is not your fault, Chimon." Pinipigilan kong hindi bumagsak ang mga luha ko. "This is just a game. Hindi rito magtatapos ang pagkakaibigan niyo. This is part of the game. Kailangan kong gawin."

Naramdaman ko agad ang presensiya ni Arissa kaya mabilis kong pinunasan ang mga luhang tumulo. "Are you okay?"

"YES." Pagsisinungaling ko. "Yes. I'm good."

"Kahit hindi sabihin ng bibig mo, nakikita pa rin sa mga mata mo. Now tell me, dahil ba ito sa nangyaring elimination?" Tanong niya ulit.

"No. It's not about that." Again, I lie. "Napuwing lang ako."

"Napuwing? Walang hangin na pwedeng maging cause ng pagkapuwing mo dahil sa mga alikabok na hinahangin." Sabi niya.

Hindi ko alam kung sasabihin ko pa. Baka lalo lang akong maiyak. Actually, I don't trust anybody. Wala. Buong buhay ko hirap akong magtiwala sa tao o kung magtitiwala man ulit ako, 'yon ang sarili ko.

"I'm good. Don't worry about me, Arissa." Sabi ko. Naglakad na ako palayo habang si Audrey ay hila-hila ng mga Ninja papasok sa nilabasan nila kanina. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa kaniya. Sana.

Naghanda na ulit kaming lahat sa pangalawang pagkakataon na nagsalita ang Announcer. May malaking speaker na naka-kabit sa bawat corner ng gymnasium kaya rinig naming lahat.

"Players.. After 5 minutes the game will begin. Prepare yourself for another thrills and adventure. Goodluck, Players!" Sabi nito.

Hindi na iisang room lang ang paghahanapan namin ng mga evidences at clues. Buong Campus na nang Arthit High School. Walang students na pumapasok ngayon dahil Sabado. Bawal din ang any practice sa loob. Kailangan gawin lahat sa labas. That's the policy here.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon