Chapter 26: Victory?

1.8K 19 2
                                    


CHAPTER 26
KRIST'S P.O.V

    "Pagkapasok natin mamaya sa guidance room, maghintay ka ng ilang minuto bago mo gawin ang plan. Wala kang dapat pagsabihan ng kahit na sino, kahit kaibigan mo pa about this." Sabi ko. I keep telling him about our plan para magawa namin ng maayos.

     "Ako ng bahala ron." Sabi niya.

     Naglalakad lang kami sa hallway papunta sa guidance office ni Ms. Amanda. Doon kami naghihintay imbestigahan isa-isa.

     "Malapit na tayo sa katotohanan, Bright. We will make it."

    Tumango lang siya. Nauna itong pumasok sa loob at naabutan namin sina Arissa, Audrey, Saint, Chimon, at First na parehong nakatingin sa aming dalawa pagpasok. May nagbabantay na isang pulis. Hiwa-hiwalay kami ng bangkuan.

     Umupo ako sa bakanteng upuan malapit kay First. Si Bright naman malapit kay Chimon.

****
CHIMON'S P.O.V

     Habang tinitingnan ko si Krist, hindi ko maiwasang hindi magtaka. How come na kaya niyang maging kalmado kung may inosenteng bata ang namatay dahil sa plano namin kahapon?

     Hindi ko in-expect na may mamamatay dahil lang sa pinagtatakpan namin ang nagawa namin noong nakaraan. Sa kagustuhang hindi maexpose, maraming nadadamay, may namamatay.

     Hindi ito tama. Wala na kami sa pagiging simpleng mga bata.

****
BRIGHT'S P.O.V

     Ilang minuto lang bago ako senyasan ni Krist na maghanda na. Ina-ayos naman na ng ibang mga bata  at teachers namin ang office ng principal kaya hindi na ako mahihirapan.

     "Can I go out, Sir?" Napalingon sa akin ang pulis dahil sa sinabi ko. May nakalagay na 'SPO2 DYLAN' sa name plate niya.

     "You're not allowed to leave in this room while the investigation is running." Matigas niyang pagkakasabi. "Utos 'yon ni Inspector, Erik Santos. Ako ang mapapagalitan kapag pinayagan kita."

     Kailangan kong makaisip ng mas magandang palusot para payagan ako. Ilang minuto nalang ang natitira. "Kanina pa po masakit tiyan ko, Sir." Um-arte akong kunyaring masakit ang tiyan ko. "Sige na, Sir.."

     "Papayagan kita, pero sasama ako."

     "No.. huwag na, Sir. Nakakahiya po. Kaya ko na." Dahan-dahan akong tumayo habang umaarte pa rin na masakit tiyan ko. "Sal—"

     "Then, no." Sabi nito kaya napatigil ako.

     "Sir.." Sabi ko habang kunyaring namamalipit na sa sakit. Wala talaga 'tong awa. Pinapahirapan pa ako.

     "Still no, hijo. Binilin kayo sa'kin na bantayan kayo."

     "Sige na nga po.." Sabi ko.

     Dahan-dahan na akong naglakad palabas ng guidance office at dumiretso sa loob ng cr. Iniwan kong naghihintay sa labas ang pulis na nagbabantay sa'kin.

     Naghanap ako ng tiyempo kung paano ko matatawagan sina Krist na palyado ang plano. Tang ina. Bakit ba kasi ito pa ang naisip kong dahilan? Masyadong kumplikado.

     Sinubukan kong tawagan si Krist, pero walang signal sa loob. "Shit!" Kung minamalas ka nga naman.

     Nakarinig ako ng tatlong suno-sunod na katok galing sa pinto. "Hijo, matagal ka pa ba diyan? Ikaw na susunod." Mabilis kong binasa ang kamay ko bago lumabas. Kumpleto pa kami kanina sa loob kaya nakakapagtaka na ako na ang susunod.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon