Chapter 11: The Real Monster

3.1K 29 0
                                    


CHAPTER 11
BRIGHT'S P.O.V

     Napagdesisyonan kong huwag nalang muna pumasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Nakapagpaalam na ako kanina at pumayag naman sila. Sobrang sakit talaga ng ulo ko. Sa palagay ko ako pa lang ang gising at wala pa akong nakikitang estudyante na pumapasok.

     May kaniya-kaniya kaming kwartong Class President dito sa loob ng School. Sinadiya raw talaga itong gawin para sa mga Star Captain na kagaya ko. Sakto lang ang luwang ng kwarto para sa isang tao. Kumpleto na lahat ng gamit na kailangan namin sa araw-araw kaya mga damit at pang hygiene nalang ang dinala ko.

     Bumangon na ako at nagtimpla ng kapeng iinumin ko. Dumiretso ako sa mini table malapit sa bintana at umupo. Nakatanaw lang ako sa labas habang umiinom.

     Sa gitna ng pagmumuni-muni ay may napansin akong kakaiba na umagaw sa atensiyon ko. Isang bagay na nakapagpataas ng balahibo ko. Kinikilabutan ako.

     Ang daming nagkalat na dugo na ilang metro lang ang layo sa kinauupuan ko.

****
ARISSA'S P.O.V

      Tinitigan ko ang device na nakadikit sa pintuan ng kwarto ni Chimon kahapon ng gabi. Nakakapagtaka lang kung bakit kinailangan niya pang maglagay ng ganito. Para saan? Para mag-ispay sa amin?

     Napalingon ako sa kanina pang taong tumatawag sa'kin, si Ms. Amanda pala. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa'ming dalawa ni First. "We need to talk. In my office now." Pagkatapos niyang magsalita ay umalis na rin ito kaagad.

     "Ano na naman bang problema, non?" Iritang tanong ni First. "Kahapon kinausap niya rin ako and I think kinaka-usap niya lahat ng Star Captain isa-isa sa office niya." Sabi niya.

     Bakit kailangan niya kaming kausapin isa-isa? Something strange na napapansin ko sa kilos ni Ms. Amanda lately. Parang may kung anong gusto siyang malaman tungkol sa amin.

     "Tungkol saan?" Takang tanong ko.

     "Nasa'n ka ba kahapon ng gabi?" Tanong niya. Naalala kong nandun nga pala kami ni Saint sa kwarto ni Chimon. "Bakit mo tinatanong?"

     "Hindi ka naman niyan siguro kakausapin without any reason, 'di ba? Nakakapagtaka lang dahil pati si Krist kinausap niya rin kahapon. Ewan ko lang kung nakausap niya na rin ang iba."

     "What do you mean?" Takang tanong ko.

     "Pumunta ka na para malaman mo. I need to go muna at may dadaanan pa ako." Hindi na ako nagsalita at dumiretso na ako sa office niya.

     Nakakapagtaka lang habang naglalakad ako. Bakit iba ang nagiging kutob ko sa tuwing makikita ko siya? Sa tuwing makakausap ko siya?

     How weird is that.

****
CHIMON'S P.O.V

      Lakas loob na akong pumunta sa office niya para tanungin kung may kinalaman ba siya sa notes na asa cellphone ni Keann. Kailangan kong malaman kung ano ang totoo. "So pinagbibintangan mo ako na nagtype sa suspicious notes na 'yan?"

     "Hindi naman po sa ganon. Nakakapagta—" She cut me off.

     "Wala kang karapatan na pagbintangan ako dahil wala akong ginagawa."

     Itinuloy ko lang kung anong sasabihin ko. "Nakakapagtaka lang po. Wala pong passcode ang cellphone ni Keann ng makita niyo sa lost and found box. Imposible naman po na ang nakapulot ang nagtype non."

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon