Chapter 18: Lie after Lie

2.7K 24 0
                                    


CHAPTER 18
CHIMON'S P.O.V

After a long period of time ay makakapagpahinga na rin ako. Tapos na ang last period namin at pwede na kaming umuwi. Dumiretso kaagad ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Pagbukas ko ng pintuan mabilis ko itong isinara bago humiga.

Hindi ko maiwasang hindi mag-isip habang nakahiga at nakatitig lang sa kisame. Miss na miss ko na mga magulang ko. Gustong-gusto ko na silang makita pero hindi pwede dahil hindi pa bakasyon at marami pa akong kailangan gawin.

"Ma, alis na po ako,"

"O sige, anak. Mag-iingat ka. Tandaan mo lahat ng bilin ko sayo. Huwag kang maging pasaway."

"Ilang beses mo ng sinabi sa akin 'yan, Ma. Natatandaan ko lahat at hinding-hindi ko 'yon makakalimutan."

"O siya, nandiyan na yung service mo. Kanina ka pa hinihintay. I Love you, anak."

"I Love you din po. Mauna na ako."

"Mag-iingat ka. Sige."

Bago pa ako tuluyang magdrama at humagulgol dito sa kama, kumuha ako ng ballpen sa lamesa ko at simulang sagutan ang form na ibinigay sa amin kanina.

****
KRIST'S P.O.V

Hindi pa rin ako mapakali sa mga narinig ko kaninang umaga bago ako pumunta sa AVR kanina. Parang may mali na hindi ko maintindihan. Iba pakiramdam ko sa conversation nilang dalawa. Parang may something na that can really affect us Star Captain.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Dahan-dahan akong lumapit at pinihit ang seradora ng pinto pakaliwa. Inuluwa nito si Chimon.

"Can I come in?" Tumango lang ako bilang response. "Salamat."

"Close that door first kung ayaw mong pagalitan tayong dalawa. And also, pwede bang huwag kang magpasalamat sa mga simpleng bagay na ginagawa ko for you? Nakakasawa kasi." Kumento ko.

Umupo ako sa gilid ng kama at siya naman sa pintuan malapit sa study table ko. Sandaling nanaig sa amin ang katahimikan pero agad din iyong nawala ng magsalita ako. "What brings you here?"

"Curious lang ako." Sagot niya.

"Curious for what reason?" Naguguluhan kong tanong.

"Alam kong hindi lang ako ang nakakita sayo bago tayo pumunta sa AVR kanina. Nakita ka rin nila Arissa at Audrey." Nagulat ako sa mga sinabi niya. Akala ko walang tao kanina kaya nagtuloy ako sa ginagawa ko pero meron pala.

"Kailan ka pa naging curious sa mga ginagawa ko?"

"Alam ko kung anong iniisip mo—"

"Huwag kang umasta na pareho tayo ng utak." I cut him off bago niya pa tuluyang usisan ang ginawa ko kanina. "May utak nga tayong dalawa but we don't have the same levels of thinking, Chimon. Kung iyan ang pinunta mo rito, makakaalis ka na."

"Alam mong alam ko na marami kang tinatago sa amin. Marami kang hindi sinasabi." Kumento niya pa.

"Who cares?" I asked him. Sino ba naman kasing may pakialam sa'kin? Alam ko naman kung anong dahilan kung bakit nagbabait-baitan sila sa'kin.. para sa mga sikretong nalalaman ko.

"Hindi kami ang kalaban mo, Krist. You can trust me. Iisa lang naman ang tanging gusto natin kung bakit hanggang ngayon solid pa rin tayo, 'di ba?" Ramdam ko.. ramdam ko ang kaplastikan na bumabalot sa kaniya. Hinding-hindi ako magtitiwala sa kahit na kanino especially sa lalaking kausap ko ngayon.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon