Chapter 24: Be careful

2.2K 20 2
                                    


CHAPTER 24
CHIMON'S P.O.V

     Napatigil ako sa paglalakad ng bigla akong tawagin ni Krist. Bumaling ako kaagad ng tingin sa kaniya. I feel something weird about the aura of his face. Parang.. ewan.

     "Why?" I asked him.

     Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Can I talk to you? Something important."

     "Go ahead. Spill it." Sabi ko.

     Ilang minuto pa lang kami naglalakad napansin ko na kaagad na kanina pa siya tingin ng tingin sa likuran. Hindi ko alam kung bakit.

     "Huwag dito. Maririnig tayo." Bulong niya. Magsasalita sana ako pero huli na, bigla niya akong hinila at pumasok kami sa private rest room dito sa ground floor. Kaming star captain lang ang pwedeng pumasok o gumamit dito.

     "Bakit dito pa?"

     "Dito ako siguradong walang makakarinig sa pag-uusapan natin. It's safe. Tayo lang ding Star Captain ang pwedeng pumunta at gumamit ng rest room na 'to." Sinigurado niya munang walang ibang taong makakarinig sa labas.

     "Hindi mo ba napapansin na kanina pa nakatingin yung lalaki sa likuran natin kanina?" Tanong niya. Nakasandal lang ako sa pinto ng cubicle sa unahan.

     "Lalaki?" Paninigurado ko. Wala akong napansin na lalaking nakatingin sa amin kanina.

     Tumango ito. "Yup. The Student Council President. Isa rin siya sa nangharang sa amin kanina. His name is Miko but I don't know his last name."

     "Ano bang meron?" Tanong ko.

     Hindi ko kilala kung sinong sinasabi niyang Miko. Wala naman akong napapansin na kakaiba kanina habang naglalakad kami bukod sa mga nakakasalubong namin na estudyante.

     "Nagusap-usap kami kanina sa lumang building sa likuran ng school malapit sa main lab at madadaanan mo ang public toilet dito sa baba." Sandali siyang huminto. "Gumawa kami ng plano para malaman natin kung sinong pumatay at naglason kay Ms. Amanda."

     "Lalo lang natin pinapahamak mga sarili natin kung sakaling mahuli tayo, Krist. Malaking gulo 'to at kapag nagkataon, mae-expelled tayo." Sabi ko.

     "I know, pero kailangan nating gawin 'to for the sake of us, Chimon. Kung hindi natin masosolusyunan 'to, tayo ang mapapahamak." Sabi niya.

     "So what's the plan? Can you guys tell me para naman may alam ako?" Tanong ko sa kaniya.

     Sandaling binalot kami ng katahimikan. Kinakabahan ako para sa gagawin nila. 'Di ko in-expect na may ginagawa na pala silang hakbang ng hindi ako kasama.

     "Nabanggit ni Arissa kanina na may nakita raw kayong dalawang lalaki ng kaibigan mong si Keann. Tama ba?" Tanong niya. Gusto ko na rin malaman kung ano ba talagang isinulat nila sa papel na 'yon.

     Sumang-ayon ako. "Oo. Bakit 'yon?"

     "Nakita niyo raw sila na nagsusulat sa papel. Magkakatotoo lahat ng hilingin mo kapag hinulog mo 'yon sa isang machine. Do you know who is the creator of that machine o kung saan natin makikita ang bagay na 'yon?"

     Um-iling ako. Hindi rin namin alam pareho kung saan nila inihulog 'yong papel na sinulatan nila.

     "Hindi ako sigurado kung saan nila hinulog 'yon. Hindi namin nakita, pero sa pagkakatanda ko may locker sila. Posible na may iba pa silang kopya ng papel na pwede nilang pagsulatan." Sagot ko.

     "Good. Kailangan natin puntahan at mabuksan yung locker na sinasabi mo para makita natin kung anong laman. Baka doon nila tinatago ang iba pang papel." Sabi niya.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon