Chapter 38: The Profiling

1.8K 23 0
                                    


CHAPTER 38
PRINCIPAL'S P.O.V

SECOND WEEK OF COMPETITION. FLASHBACK.

Pagkatapos kong basahin lahat ng Documents at Student Information ng mga Star Captain ko saka naman ang pagpasok ni Amanda dala ang mga pinakuha kong pictures at information ng mga students sa kaniya. Ganon din si Ms. Roda na kasunod niya lang dumating.

"Ito na po lahat ng pinapahanap niyo, Sir." Sumenyas akong ilapag nalang sa ibabaw ng lamesa lahat ng Documents na hindi ko pa nababasa tungkol sa kanila.

"Salamat."

"Sige, Sir. Mauna na po ako." Tumalikod na ito at naglakad na palabas. Kaming dalawa nalang ni Amanda ang naiwan.

"Nasa akin na lahat ng pictures at report na tungkol sa mga estudyante mo." Sabi niya.

"Kumpleto na ba 'yan lahat?" I asked her bago ko kunin ang brown envelope na naglalaman ng iba pang information sa kanila.

"Oo. Pati na rin mga backgrounds nila bago sila magtransfer dito sa Arthit High School." Umupo na siya sa bakanteng upuan na asa harapan ko.

Una kong binasa ang Information ni Mr. Bright Marcus Suarez.

"Anong observation mo sa lalaking 'to?" Tanong ko kay Amanda. Ipinakita ko rin sa kaniya ang picture nito.

"Mabilis uminit ang ulo niya, pero may talino rin siyang tinataglay. Nahihiya lang itong ipakita sa mga kasama niya. Dati siyang bully, pero hindi na ngayon. Survivor din siya ng Leukemia noong bata siya. Mayroong Food Business ang mga magulang niya at 'yon ang ginamit para makapag-enroll siya rito." Sagot nito.

"Wala na? 'Yon lang?"

Tumango siya. "Yes, Sir.. for now."

"Do you think he has a potential na maging mas matalino pa?" I ask her again.

"Maybe. Actually, hindi pa tayo sigurado sa kanilang lahat. Kung pagbabasehan ang performance nilang mag-isip this past few weeks, may chance."

I nodded. Minomonitor namin kung paano sila mag-isip pito ng magkakasama. Nang sa ganon, mabilis nalang namin maoobserbahan ang lahat.

"What about this girl? Ms. Audrey Miles Esquivel of Section C?"

Base sa mga nakalagay sa Document nito, kilalang business man and woman ang mga magulang nito. May malalawak silang lupain at hindi mo maipagkakailang mayayaman silang Pamilya.

"Lowkey lang siyang estudyante. Matalino, pero hindi halata. Masyado siyang nakadipende sa mga kaibigan niya dati kaya madalas siyang naiiwan at nabu-bully sa dating school na pinapasukan niya. Malaki ang potential niya na mas maging matalino ito kapag nagpatuloy pa siya sa Competition. Mas madedevelop ang Critical Thinking niya pati na rin ang Intellectual Qoutient nito." Sagot nito.

"How about Mr. Saint Chua?" Tinitigan ko ang picture nitong hawak-hawak ko. Hindi maipagkakailang galing din sa mayamang pamilya gaya ng kaibigan niya.

"Dati silang nakatira sa China, pero nagmigrate rin para ipadoctor ang Daddy niya na may Cancer sa Baga. After a years, napagdesisyonan nilang dito nalang manirahan after mamatay ng Daddy niya few years back."

I didn't know about this. Hindi ko pa talaga sila kilala.

"Saan mo nakuha lahat 'yan?" Takang tanong ko.

"Nabasa ko lang 'yan sa Bionote na pinasa nila before silang mag-enroll. Nilagay ko na rin diyan sa document na asa harapan mo, Sir Eladio." Sabi niya. Isa-isa kong binuklat at binasa ang Student Information nito. Pati na rin kahat ng Background niya sa buhay.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon