CHAPTER 31
CHIMON'S P.O.VDahan-dahan kong ilabas isa-isa 'yung laman ng huling locker. Puro mga dugo. Hindi ko alam kung galing ba 'to sa mannequin o hindi. Ang baho-baho pa.
Nang may makapa akong parang hugis sapatos, hinulog ko ito. Hindi nga ako nagkamali.
"We found a pair of shoes."
Seryoso silang bumaling ng tingin sa akin.
Napatingin din si Krist sa nahulog. "Ano 'yan?"
Sa unang tingin hindi mo talaga aakalain na sapatos ito dahil sa itsura niya. Halos mangitim na ang mga dugo sa sapatos dahil sa tagal nitong nakaimbak.
"Yung sapatos na may blood stain na sinasabi niyo kanina. Baka ito 'yon?" Tanong ko. "Nahanap namin 'yan dito sa loob ng huling locker na binuksan namin. The rest walang laman ang iba kundi mga plastic lang na pinagkainan.
"You got another point, Chimon." Kumento ni Audrey, pero hindi ko nalang pinansin. Wala na akong pakialam sa scoring. Gusto ko nalang matapos ito. Gusto ko ng umalis dito.
"Hayaan mo na muna. Mas magfocus tayo rito kaysa diyan." Sabi ni Arissa.
"Baka iyang sapatos na 'yan ang ginamit ng primary suspect natin. May mga dugo pa sa sapatos." Sabi ni Saint bago tumingin sa akin. "Ito lang ba laman ng mga lockers? Wala ng iba?"
"Wala na kaming ibang nakita sa mga lockers kundi mga plastic na pinagkainan lang." Sagot ko.
"Mukhang nalinis na nila bago pa magkaroon ng krimen."
Sandali kaming binalot ng katahimikan, pero hindi rin iyon nagtagal dahil nagsalita rin kaagad si Audrey.
"May nakita akong yearbook kaninang nalaglag noong nagtitingin kayo sa mga lockers. Hindi niyo na napansin dahil sa dami ng mga pinagkainan. Hindi ko lang alam kung sa kanila ba 'to o kaninong sapatos iyan."
"Patingin ako ng yearbook. Baka may makita tayong importante." Sabi ni Krist. Pagkabigay ni Audrey sa kaniya nito mabilis niyang binuklat at tiningnan isa-isa ang bawat pahina kung sinong may suot ng sapatos na nakita namin sa locker kanina.
"Year 2018 and Batch 2207. Sila ang Batch na huling gumraduate sa Arthit High School bago mangyari ang krimen." May kung anong binuklat pa si Krist bago ulit nagsalita. "Mahirap lang maidentify ang mga suot nilang sapatos dahil halos magkakamukha lahat."
"Hindi lahat." Si Bright ang nagsalita kaya napatingin kami sa kaniya. "Tingnan niyong maigi bawat picture in every pages of that year book. Pati na rin yung bawat group photos nila. Hindi sila magkakamukhang lahat."
"Anong ibig mong sabihin, Bright?" Tanong ni First. "Anong mahihirapan tayong maidentify e alam na natin mismo mga identity nila?"
"Hindi pa, First."
Bahagya itong lumapit sa kaniya.
Tumingin naman sa kaniya si Saint habang si Arissa ay nakatingin lang kay Krist na tahimik habang nag-iisip.
"Mahihirapan talaga tayo kung hindi natin titingnan ng maayos lahat ng anggulo ng bawat picture." Habang nakikinig sa pinag-uusapan nila, tinitingnan ko bawat suot nilang sapatos at may isang nakapukaw sa mata ko. "We need to see every small details of these pictures. Wala dapat tayong sayangin."
"Bright is right. Mahihirapan nga tayo kung iisa lang ang pagbabasehan natin. Sa Page 28 ng yearbook na hawak mo Krist, may mga shots ang bawat magbabarkada every year. Dito pa lang sa yearbook mapapansin na natin na pare-pareho sila ng sapatos na suot." Paliwanag ko.
Sana nabigyan ko talaga ng justice para mas maintindihan nila mga observation ko.
Mas naagaw ko ang atensiyon ni Krist kaya napatingin ito ng seryoso sa akin. Kinakabahan ako. Baka may sarili rin siyang observation na mas magagamit namin ngayon.
BINABASA MO ANG
HELL BOOTH (COMPLETED)
Mystery / ThrillerOne accident leads to another. Star captains of each section solved mystery cases in Hell Booth to prove that they are worthy of their position in the class. After solving many cases, they accidentally discovered what really happened to the other st...