CHAPTER 7
CHIMON'S P.O.VIt was only five O'clock in the afternoon, pero halos dumilim na ang buong paligid dahil sa nagbabantang malakas na ulan sa labas. May panaka-naka pang pagkulog at pagkidlat. Humigop muna ako ng mainit na kape bago tumitig sa blangkong notebook sa harapan ko.
"Who are those guys?" Bulong ko sa hangin. Blangko pa rin 'yung papel ko hanggang ngayon. Kanina pa ako nakatitig sa notebook ko. Puro mga scribble nalang ng kung ano-ano nagagawa ko. Wala rin akong maisip a pwedeng maging motive at deductions tungkol sa kanilang dalawa.
Paulit-ulit ko na rin pinakinggan yung recording audio kanina, pero ganon pa rin. Ang hirap kapag iisang evidence lang ang pagbabasehan mo. Hindi pa ganon katibay.
Narinig ko 'yung sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko. "Who's that?"
"Kami." Mabilis akong tumayo at pinagbuksan sila ng pinto. Pagkapasok nila ay isinara ko kaagad ang pintuan para walang maka-kita sa'min. "Anong ginagawa mo? Napakalalim ata ng iniisip mo. Kanina pa kami katok ng katok sa pintuan kanina. Pinaghintay mo pa kami."
"I'm sorry. Marami lang iniisip." Hindi pa sila nakakapagpalit at halatang kagagaling lang sa klase. "Ano bang meron? Sa June pa birthday mo, a?"
"Ipapaliwanag ko sa inyo mamaya. Do you mind na umupo muna?"
Umupo na si Arissa sa higaan ko, nakade-kwatro pa. Si Saint naman sumandal lang sa pader. "Nakita niyo ba sila Bright kanina?"
Umiling sila pareho. "No. And why is that?"
"Wala naman." I answered. "I just want to make sure na walang ibang nakakaalam na andito kayong dalawa."
"Mag-isa lang ako kaninang pumunta dito, Chimon. Nagkataon lang na papunta rin si Arissa kaya sabay na kaming kumatok sa pintuan kanina." Sagot nito. Kailangan namin mag-ingat. Ayoko naman nang dahil sa'kin, mapahamak sila.
"Kailangan natin magdoble ingat ngayon lalot pa't mainit ang mata sa'tin ng mga estudyante dito lalo na kay First, siya ang Star Captain natin ngayon." Sandali akong huminto. Humigop ulit ako ng kape bago ulit ipatong sa ibabaw ng lamesang malapit sa kinatatayuan ni Saint.
"One person per room, that's the policy. Asa rule book natin 'yon."
"I know. I know, Chimon. Hindi mo na kailangan ulit-ulitin sa'min ni Saint ang mga rules and regulations sa rule book. Pinabasa naman lahat sa'tin 'yon noong nag-orientation tayo, 'di ba?" Sabi ni Arissa. Tinanggal niya sa pagkakasuot ang bag niya sa likuran bago ulit tumingin sa'kin.
"You don't need to remind me ng paulit-uliti and even Saint. Alam ko naman na hindi bobo itong lalaki na 'to tulad ng sinabi sa kaniya ni krist noong asa Hell Booth tayo."
"Aray, ha! Sakit non." Kumento ni Saint. Nagpanggap pa siyang nasasaktan talaga ito.
"Dumaan si Saint sa Building A kanina bago pumunta rito. Ako naman dumaan sa likuran ng kwarto mo. Hindi na kita kinausap nung napansin kitang tulala habang nakatingin sa kawalan kanina."
"Alam mo ba na alas-kwatro pa lang, nagpa-plano na kami kanina?" Tanong ni Saint. Napansin ko 'yung hawak niyang tasa.
"Alam mo rin ba na walang kang permission para inuman 'yan?" Sandali akong huminto. "Malawak 'yug kusina doon. Magtimpla ka ng sarili mo."
"Tinikman ko lang naman kung masarap 'tong timpla mo."
Confident naman akong masarap timpla ko ngayon. "Ano masarap ba?"
Humigop ulit siya ng kape. Talagang nang-iinis pa. "Yeah. It taste good pero mas masarap ka."
Bahagya akong natawa. "Hindi mo pa naman ako natitikman. Paano mong nalaman na masarap ako?"
BINABASA MO ANG
HELL BOOTH (COMPLETED)
Mystery / ThrillerOne accident leads to another. Star captains of each section solved mystery cases in Hell Booth to prove that they are worthy of their position in the class. After solving many cases, they accidentally discovered what really happened to the other st...