Chapter 25: Be careful on what you wish for

2.3K 27 0
                                    


CHAPTER 25
KRIST'S P.O.V

     "Go back to your room now, Saint. Kami ng bahalang kumausap sa Principal about this." Sabi ko.

     Mabilis na napatingin sa akin si Saint. Iniwan na namin sa lumang building ang envelope na may laman na promisory note ng mga estudyante. "Sigurado ka?"

     "Kasama ko naman si Chimon kaya okay lang. Ayokong madamay ka pa."

     "Sige. Sige."

     Mabilis na akong naglakad at dumiretso sa office ng Principal. Nadatnan ko siyang nakatayo sa labas habang nakatingin sa mga gamit niyang nilalabas. Kumapit ako at nagtanong. "What happened, Sir?" I used to call him 'Sir' para mas formal.

     "Do you have any idea kung sinong may gawa nito? Pagpasok ko sa office ko gulo-gulo na. It's all ruined. Pati mga certificates na pinaghirapan ko, lahat 'yon sinira. Hindi ko alam kung sinong gumawa nito dahil hindi gumana ang mga CCTV dito sa loob at labas ng office ko kaya hindi namin ma-identify kung sinong gumawa." Sabi niya.

     Naala ko lahat ng sinabi ni Saint tungkol sa virus na ginawa niya. Nasaksihan ko lahat ng mga pangyayari, pero hindi ko kilala kung sinong mga gumawa.

     Napatingin ako bigla sa kaniya dahil sa mga sumunod niyang sinabi.

     "Kayo ang huling nakitang lumabas sa mga rooms niyo kagabi kaya naitanong ko sayo. Baka may alam kayo. Nakita rin ang mga Student Council Officers na nag iikot kagabi, pero hindi sila nakitang dumaan o pumunta sa office ko."

     "Hindi po kami napadaan sa office niyo Sir ng mga oras na 'yan. Actually, gumagawa po kami ng mga assignments namin para sa finals." Palusot ko. Tinitingnan ko mga reaction ng mukha niya para alam ko kung naniniwala ito o hindi.

     "Putol ang time frame between 7:00 PM to 10:00 PM kaya posibleng sinadiya nila 'tong gawin at planado talaga. Mga may alam lang ang kayang gumawa nito. Alam nila kung paano makapasok ng hindi nalalaman mga identity nila." Halata sa mga mata niya ang inis at galit. Hindi niya lang pinapahalata.

    Paano niya nagagawang maging kalmado kung ganito na ang sitwasyon? Sigurado ako na kami na naman ang pagbibintangan nila. Hindi pa tapos ang investigation sa amin ng mga pulis tungkol sa case ni Ms. Amanda, mayroon na naman.

     Nagkaroon ako ng lakas ng loob ng makita ko si Chimon na naglalakad. Sinenyasan ko na siya gaya ng napag-usapan naming dalawa.

     "Have you heard the machine that can make your wish come true right away, Sir?" Nakita ko naging reaksiyon ng mukha niya.

     "What about that machine?" Tanong niya pabalik. Hinayaan ko nalang si Chimon ang magpaliwanag para may ambag naman.

     "Isang machine na pwedeng magkatotoo lahat ng hilingin mo sa mga pirasong papel na 'yon kahit kailan mo gusto. Kailangan mo 'yon maihulog pagkatapos mong magsulat at magkakatotoo kung kailan mo gustong mangyari." Paliwanag nito.

     "Hindi namin alam kung sinong mga estudyante rito ang mga naghuhulog at humihiling din. Hindi rin namin alam kung sinong creator ng machine na 'yon." Dugtong ko.

     Halata sa mukha nitong hindi niya masyadong maintindihan mga sinasabi naman. Who would have thought na that machine can make your wish come true right away na gusto mo? Maging ako'y hindi ko rin alam.

     Nakita ko yung pirasong papel na binigay ni Chimon sa kaniya.

     "Nakita namin 'yan sa locker ni Zach Collins kanina. I know na asa rules and regulations na bawal makialam ng locker ng iba, pero ginawa namin 'yon para malaman namin kung may kinalaman ba siya sa mga nangyari sa office niyo." Sabi ko.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon