CHAPTER 15
FIRST'S P.O.V"Look Audrey. I found a box." Mabilis kong binuhat at ipinatong sa lamesa. Naglakad na silang dalawa ni Saint palapit sa'kin. "It's locked. Hindi ko mabuksan."
"Kailangan ng code?" Tanong ni Saint. Tumango lang ako at mabilis niyang kinuha ang box at inilapit sa kaniya. "Akong bahala."
Tiningnan niya yung formula na nakadikit sa ibabaw ng box. "This is the elements in the periodic table."
Napakunot ako ng noo. "Akala ko formula 'yan?"
"Hindi. I think ginawa lang ganito ang format para hindi agad malaman na these letters are from the Periodic table of Elements. Ginagamit din ito ng mga Chemist para sa chemical bonding na ginagawa nila."
See? Ang bobo ko talaga lalo na sa Science. I hate this kind of subjects. Napaka-complex pag-aralan. Masyadong maraming kailangan tandaan na kung ano-ano unlike sa Filipino, madali lang.
"This letters called Element Symbols and each Elements contain atomic mass which are the numbers above and atomic number are the numbers below in each symbol."
Napapatango-tango nalang ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko rin gaanong maintindihan.
Tiningnan ko ulit ang mga letter na nakalagay sa ibabaw ng box na hawak niya. May isang triangle at nakapaloob dito ang mga Element Symbols na sinasabi ni Saint kanina. Pinaghati-hati ito sa apat na part.
V
Ti | Rb | Pd"They used triangle shape to know kung anong number ang kukunin natin sa kanila. Ang nasa taas, which is V— we need to look for Atomic Mass and the rest is the Atomic Number." Sabi niya.
"We need to look for a periodic table then." Sabi ni Audrey.
Napansin kong nadagdagan siya ng dalawang puntos. Ibig sabihin, tama lahat ng mga sinabi niya. Siya na ngayon ang nangunguna sa aming pito.
CHIMONAC ALVAREZ 1pts
SAINT CHUA 3pts
BRIGHT MARCUS SUAREZ 1pts
KRISTIAN LOPEZ 1pts
AUDREY MILES EZQUIVEL 1pts
ARISSA ESPEJO
FIRST NOCHIEVELLIE 1pts"There's no need, Audrey. I can handle this. Kabisado ko pa naman lahat ng Elements sa Periodic Table especially their Atomic Mass and Atomic Numbers." Kumento nito.
Actually, hangang-hanga ako sa kaniya ngayon. Hindi ko in-expect na may taglay din pala siyang talino gaya ni Krist at nang iba pang Star Captain na kasama namin ngayon. Ngayon ko lang din siya nakitang nagseryoso ng ganito.
"V is the Element Symbol for Vanadium. It contains a 23 Atomic Mass." Sandali siyang huminto. "Ti is for Titanium, which contain a 22 Atomic Mass and 47.88 Atomic Number but since we need Atomic Number, ang ilalagay natin ay 47. Hindi na kasali ang 88." Pagpapaliwanag niya.
"Okay. Next." Napatingin ako kay Audrey. Hawak niya na ang box at pinapaikot-ikot ang number every side of the lock habang ako nakatayo habang nakatingin sa kanila. Wala naman akong magawa dahil hindi ko naman sila maintindihan. I'm not into this kind of things. Hindi ako mahilig magcrack ng kung ano-ano.
I accept it already na hindi ako ang mananalo this week. Tanggap ko na 'yon sa sarili ko. Atleast, I'll try my very best para makakuha ng score.
"The Rb is the Element Symbol for Rubidium, which contains 37 Atomic Mass and 85. 4678 Atomic Number."
Pinaikot na ulit ni Audrey yung numbers na sinabi niya. "Three more numbers Saint at mabubuksan na natin 'to." Pahayag niya.
"The last is Pd, which is the Element Symbol for Palladium. It has a 46 Atomic Mass and 106.42 Atomic Number."
BINABASA MO ANG
HELL BOOTH (COMPLETED)
Mystery / ThrillerOne accident leads to another. Star captains of each section solved mystery cases in Hell Booth to prove that they are worthy of their position in the class. After solving many cases, they accidentally discovered what really happened to the other st...