CHAPTER 32
KRIST'S P.O.VWala na akong pakialam kung sinong hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. Ang gusto ko lang naman ay matapos na 'to at makabalik na kami sa dati.
Hindi ko nga alam kung bakit tahimik sila habang nakikinig. Ni hindi rin sila masyadong nagbibigay ng opinyon nila kaya hirap akong pagsama-samahin mga naiisip namin.
Well, wala nga pala akong aasahan sa kanila. Aasa at aasa lang din sila sa talino na meron ako.
Hindi ko sila masisisi.
Hindi ko rin naman ginusto na maging ganito katalino dahil alam kong sa matatalino lang sila aasa ng aasa hanggang sa wala na silang ibang malapitan kundi ako.
Napatingin ako kay Bright ng bigla itong magtanong. Hindi pa nga ako tapos mayroon na agad tanong?
"E paano yung dugong nagkalat? Paano mo maipapaliwanag yon?"
Akala ko naman kung ano na. Wala na rin akong pakialam sa scoring dahil alam kong matatalo lang din naman ako.
Bigla na naman sumakit ang ulo ko at bigla akong nahilo. Napahawak kaagad ako sa braso ni Chimon.
"Okay ka lang?" Tanong ni Arissa.
Tumango ako. Akala mo namang concern talaga sa'kin si Arissa. Alam kong hindi. "Nahilo lang ako but I'm okay. Don't worry."
Unti-unti na naman nagregister sa'kin ang mga nakita ko noong nakaraan. Duguan na naman ang isang lalaki na hindi ko alam kung sino. May mga batang nagkakagulo, pero hindi ko sila makilala dahil blurry ang paningin ko.
Parang...
Parang nasa isang crime scene ako at kitang-kita ko mismo ang mga nangyayari. Ilang ulit na 'tong nangyayari sa akin. Parang may kakaiba na sa mga nakikita ko everytime na mahihilo ako.
Pinipilit kong kilalanin bawat tao na nakikita ko, pero wala talaga. Parang pamilyar lang sila sa 'kin pati na rin ang lalaking nakahandusay at puno ng dugo ang katawan.
Naghintay pa ako ng ilang segundo bago ulit um-okay ang pakiramdam ko.
"Ano bang nangyayari sayo? Madalas ka atang mahilo, Krist." Si First naman ang nagsalita.
Last time I remember nahilo rin ako noong investigation. Akala ko noon simpleng hilo lang itong nararamdaman ko kaya hindi ko masyadong pinapansin. Little did I know na napapadalas na pala.
"Nahilo lang ako pero ayos na ako." Sabi ko nalang.
Tiningnan ko sila isa-isa at hindi maipintan ang mga mukha nila. "Huwag niyo akong tingnan na parang ang malala ang nangyari sa'kin. Buhay pa ako." Sabi ko nalang bago ulit magpaliwanag sa kanila ng sarili kong conclusion tungkol sa kaso.
"Pinapakaba mo kami, e." Kumento ni Audrey.
I don't care. Ako nga hindi kinabahan na nahilo ako. Normal na kasi sa'kin ito. Madalas na mangyari kaya sanay na rin ako.
"Hindi ako sigurado kung anong puno't-dulo o dahilan kung bakit niya iyon nagawa." Huminto ako.
"Marami akong naiisip na possible causes pero away talaga ang isa sa naiisip kong dahilan. Baka nagkasagutan muna ang dalawa na nauwi sa pisikalan hanggang sa tuluyang madulas o mabagok ang biktima." Sabi ko.
"Pinalabas nalang na nadulas ito at nabagok ang ulo dahil ayaw masira ang reputasyon ng paaralan dahil sa nangyari. Private Investigation ang nangyari kaya walang ibang nakakaalam kundi ang Principal at ilang mga taong involve sa nangyari. Pinalabas nalang nila itong nalunod hanggat hindi pa lumalabas ang result ng investigation."
BINABASA MO ANG
HELL BOOTH (COMPLETED)
Mystery / ThrillerOne accident leads to another. Star captains of each section solved mystery cases in Hell Booth to prove that they are worthy of their position in the class. After solving many cases, they accidentally discovered what really happened to the other st...