Chapter 4: The Culprit

5.6K 63 1
                                    


CHAPTER 4
CHIMON'S P.O.V

     Dahan-dahan akong naglakad kay First para tingnan din habang isa-isa niyang tinitingnan bawat pages ng diary. "Walang nakasulat." Sabi niya habang nakatingin sa 'kin. Tiningnan ko rin bawat pahina, pero wala ngang nakasulat. Blangkong puting papel lang ang makikita mo.

     Bahagyang kumapit si Krist. Mahahalata mo sa mukha niya ang kaba. "Bakit wala? Check mo ngang mabuti." Pumunta rin sa tabi niya si Bright. Sina Arissa at Audrey, tahimik lang. Si Saint naman ay nakikitingin din.

     "Wala talagang nakasulat. Even these papers Krist," Pinakita niya sa'min ang mga pilas ng papel na naka-ipit sa diary. "Wala rin. Blangko lahat." Kung titingnan mo kasing mabuti, parang hindi pa talaga siya nagagamit bukod sa mga scratches niya sa front cover.

     Unti-unti ng nagkakaroon ng tensiyon.

     "Paanong nangyari 'yon, e sabi sa'tin kanina nakapagsulat siya sa Diary niya bago siya patayin 'di ba?" Naguguluhan kong tanong. Ganon din siguro tanong ng iba ko pang kasama dito sa loob. "Wala ba talaga? Kahit isang signs or palatandaan na nakapagsulat nga siya diyan?"

     Umiling si First. "Wala talaga. I double checked all the pages, pero wala pa rin talagang clues or nakasulat."

     Lumapit na sa'min si Arissa. "Pakita nga? I'll check it muna bago kayo magsi-react. Hindi tayo makakapag-isip ng maayos kung lahat kayo hindi kakalma. Kung lahat kayo magpapadalos-dalos." Ma-owtoridad niyang pagkakasabi sa'min.

     "Baka may mga dents or marks lang na iniwan si Ms. De Leon dito. She graduated Bachelor of Elementary Education and Bachelor of Science in Information Technology. Duon pa lang malalaman na natin na may utak siya, na matalino talaga siya."

     Ibinigay na ni First sa kaniya yung Diary. Wala kaming dapat sayangin na oras. Kailangan na namin 'tong ma-solve para matapos na at makalabas na kami rito.

     Pinagmamasdan ko isa-isa mga kasama namin. Nago-bserba sa mga nagiging reaksiyon nila. By means of that, malalaman ko kahit papaano kung paano sila kumilos at mag-isip.

     Binuklat niya na isa-isa bawat pahina ng Diary. "Look. There is something in this Diary." Napatingin kaming lahat sa kaniya. "There's something! Nakapagsulat nga siya sa Diary na 'to."

     "Paano mong nalaman? Wala namang nakasulat 'di ba?" Tanong ni Krist. Halatang naguguluhan din siya.

     Umiling lang siya. Itinuon ulit ang atensiyon sa hawak-hawak niya. "No. May nakasulat ditong hindi ko lang mabasa. Tingnan niyong mabuti," Lumapit kaming lahat sa kaniya. May kung ano siyang tinuro sa'min. "She used inkless pen or ballpen na hindi madaling mabasa kapag ipinangsulat mo. 'Yung ikaw lang mismo ang nakaka-alam at makakabasa kung anong isusulat mo sa Diary na 'to."

     "What do you mean by that Arissa?" Saint asked. Nasa tabi siya ni Bright at Krist. Katabi ko sila Audrey at First. Nasa gitna namin si Arissa.

     Hindi mo talaga mahahalatang may nakasulat sa Diary kung hindi mo tititigan. Parang gumamit siya ng inkless na ballpen base na rin sa nakikita ko.

     "Hindi niyo agad mapapansin ang nakasulat kung hindi niyo tititigan ng maayos." Huminto ito at tumingin ulit sa amin, naninigurado siyang naiintindihan namin lahat ng sinasabi. "Masyadong madiin magsulat si Ms. De Leon kaya nakaiwan siya ng palatandaan na nagsulat siya sa diary na 'to. Bumabakat yung bawat letters na sinusulat niya kaya nagkakaroon ng mga ganito."

     Ngayon ko lang napansin na totoo nga na may bakat yung diary na hawak niya. Matalino talaga si Ms. De Leon. Nagawa niya pang makaisip ng ganitong paraan para matago niya sa murderer lahat ng isinusulat niya.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon