Chapter 16: Whose the wittiest?

2.7K 27 0
                                    


CHAPTER 16
KRIST'S P.O.V

Sabi ko sa sarili ko na wala akong pakialam sa kanila, pero ano 'tong ginagawa ko? Tinutulungan sila na hindi naman dapat. Wala dapat akong tinutulungan kahit sino sa kanila. Ayaw nila sa'kin? So be it. Naaawa lang ako sa sarili ko.

Nilalabanan ko nalang ang ego ko na tulungan sila. Nasa akin ang pinaka-importanteng evidences sa case na ito kaya siguradong magkakaroon ako ng maraming puntos sa oras na malaman ko kung sinong culprit sa nangyaring ito.

"What's next?" Si Audrey naman ang nagsalita.

Binuklat ko ang pangatlong page. Gaya kanina ay may picture din na nakadikit. Binasa ko muna ang information para malaman ko kung kaninong picture ang nakadikit dito.

"Mr. Mix Sanchez is the other guy na in-interview. According to him, kasama siya ng biktima bago bumalik sa office. Nagmiryenda sila sa canteen and after nilang maghiwalay, wala na siyang balita. Umuwi na rin siya kaagad pagkatapos. The other day, nalaman niya nalang din na nagpakamatay ang kaibigan niya."

Sandali akong napahinto. Parang may iba akong nararamdaman habang binabasa ang testimony niya.

"Krist.. are you still there?" Narinig kong kanina pa pala ako tinatawag ni Arissa pero hindi ako sumasagot.

"Yeah.. yeah. In-analyze ko lang bawat statement na sinabi niya." Sagot ko bago magpatuloy sa pagbabasa.

"On the other hand, bago sila maghiwalay may nabanggit si Win sa kaniya na problema," Napakunot ako ng aking noo. Base kasi kanina sa binabasa ko, hindi masyadong close ang dalawa. Minsan at bihira lang sila mag-usap.

Kung ia-analyze mo ang statement na binigay niya, hindi concrete lahat. Hindi nagtutugma. Putol-putol kumbaga.

"Ano raw problema?" Tanong ni Bright. Hindi ko in-expect na nakikinig pala siya kasi as far as I know, hindi siya interesado sa mga sinasabi ko simula pa lang.

"Problema sa kaibigan." Maikli kong sagot. Mas gusto ko pang kausap ang iba kaysa sa lalaking nagpapanggap na interesado sa case na ito lalo na sa mga sinasabi ko.

"Wala naman nabanggit na may kaaway siya kanina, 'di ba?" Naguguluhang pahayag ni Audrey. Maging ako rin naguguluhan pero kaunti nalang, malalaman na namin kung anong totoo.

"Do you think ng dahil sa paga-away nila ng kaibigan niya kaya siya nagpakamatay?"Singit ni Saint.

"Hindi nga siya nagpakamatay. Someone murdered him." Singit ni First. "And come to think of it Saint," sandali siyang huminto. Narinig kong malakas siyang napabuntong hininga sa walkie talkie na hawak ko. "Do you think magpapakamatay siya sa gano'n kababaw na dahilan? I know there's something deep reasons kung bakit siya humantong sa ganito."

"This is not a suicide. This is a murder." Singit ni Audrey.

I agree with her this time. Naririnig ko bawat conversations nila kanina from Laboratory. Thank God at kabisado ni Saint ang bawat Elements sa Periodic Table kaya hindi na kami nahirapan. Nakuha agad namin ang message behind those Elements especially the Atomic Mass and Numbers.

"Let's proceed to those random people na tinatanong din ng mga police tungkol sa nangyari. Is there any statement that can prove na hindi talaga suicide ang nangyari sa kaniya?" Tanong ni Chimon.

Inilipat-ipat ko muna at binasa ang mga nakalagay. Napahinto ako sa pinakahuling statement na galing kay John Ray Agpasa.

"Meron. Let me check first. Masyadong mahaba." Sabi ko, pero hindi naman totoo. Sinabi ko lang na mahaba para mai-analyze at mai-connect ko bawat clues and hints na binigay sa amin kanina.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon