Chapter 6: Rising Actions

5.6K 65 16
                                    


CHAPTER 6
CHIMON'S P.O.V

     Isa-isa nang naga-alisan ang mga estudyante pagkatapos ng program. May bumalik na sa mga classroom at ang iba naman ay dumiretso sa Canteen para magmiryenda. Kaming dalawa ni Keann ay napagpasiyahan naming dumaan sa locker room para kuhanin ang bag ko.

     "Do you still remember yung sinabi mo sa 'kin kanina?" Napalingon agad ako kay Keann. Oo nga pala, 'yung tungkol sa dalawang lalaki kanina.

     "Yup. Nakita ko silang papunta sa locker room kanina. Baka maabutan pa natin sila don mamaya."

     Nagmadali na kaming maglakad patungo sa Locker Area. Duon ko sila nakita kanina. Dahan-dahan kaming naglakad. Walang ibang estudyante rito maliban sa'ming dalawa ni Keann pati 'yung dalawang lalaki kanina.

     Huminto ako sa paglalakad ng marinig ko silang nagu-usap. Sinenyasan ko si Keann na huwag magsalita, baka marinig kami.

     "Para saan ba talaga 'yan? Bilisan mo kaya! Baka may maka-kita sa'tin dito." Rinig kong sabi ng isang hindi ganon katangkaran. May kung ano silang sinusulat. Hindi ko mabasa ng maayos dahil malayo kami. "Para saan ba kasi 'yan?"

     "Hindi mo ba alam 'yung machine na kapag hinulog mo 'to, magkakatotoo 'yung isusulat mo." Sagot naman ng lalaking nagsusulat. Naka-upo siya sa bakal na upuan at ginagawang lamesa 'yung notebook niya.

     "Gago! Walang machine ang tutupad ng sinusulat mo diyan. Nababaliw ka na ata, Pre."

     Mas lalo pa akong lumapit para mas maintindihan ko ang pinagu-usapan nila. Kinuha ko yung cellphone ni Keann. May password. "Open it."

     "Ha? Anong gagawin mo sa ph—"

     "Just open it. Bilisan mo."

     "Okay. Okay. Ito na." Halata sa boses niyang kinakabahan siya.

      Pagkatapos niyang buksan, binigay niya agad sa 'kin. Kailangan kong ma-irecord pinagu-usapan nila incase na may gawin silang masama. "Stand still and be quite."

     Alam kong naguguluhan na si Keann sa mga ginagawa ko. Mamaya ko na ipapaliwanag sa kaniya. Hindi naman masyadong maingay dito kaya hindi magiging mahirap para sa'kin. Malakas din ang boses ng dalawa kaya hindi mahirap madetect mga boses nila.

     Napansin ko si Keann na naghihintay lang ng senyas ko. "Chimon," sandali siyang tumigil. "Ano ba 'tong ginagawa mo? Daig mo pa Detective sa ginagawa mo."

     Itinapat ko ang hituturo kong daliri sa bibig. "Ssh! Just keep quite. Mamaya ko na ipapaliwanag sayo."

     "Hintayin mo nalang. Hindi mo pa kasi nakikita, e. Tsaka isa pa, bakit kasi ayaw mong maniwala?" Tanong nang nagsusulat.

      "Hindi naman kasi kapani-paniwala, Pre. Machine tutupad ng isusulat diyan? Hindi talaga ko maniniwala!"

     Kahit ano talagang gawin ko, hindi ko mabasa sinusulat niya. Tanging word na 'wish' lang ang nababasa ko.

     "Gago ka ba? Hindi naman ako magpapaniwala kung hindi nagiging totoo 'di ba? Tsaka isa pa, huwag ka ngang kumontra! Marami ng gumawa nito."

     "So, sino? Name it."

     "Hindi ko kilala, pero pakiramdam ko marami na." Saad naman ng nagsusulat. Haatang hindi mapakali ang kasama niya. Kanina ko pa siya napapansin na patingin-tingin siya sa paligid, naninigurado kung may nakakarinig ba sa kanila o wala.

     "See? Wala ka naman proof 'di ba? Nag-aaksa lang tayo ng oras sa walang kwentang bagay na 'yan."

     "Pwede ba?! Bakit ba ang kulit-kulit mo? Ikaw ang nagprisintang sumama sa'kin dito 'di ba? If you want to leave, just go." Iritang sabi ng nagsusulat.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon