Chapter 23: The real identity

2.2K 18 0
                                    


CHAPTER 23
KRIST'S P.O.V

      FLASHBACK..

     "Bakit mo kami pinunta rito? Tsaka anong klaseng lugar 'to, Krist?" Nagtatakang tanong ni Audrey.

     "Dito ako madalas magpunta kapag gusto kong mapag-isa. Kapag gusto kong mag-isip ng maayos."

     Abandoned na ang building ng ilang taon. Wala na rin nagtatangkang pumunta o pumasok rito sa loob sa hindi ko malamang dahilan. Hindi na rin magawang linisan ang building dahil na rin sa hindi nagagamit.

     "I need your help. I know this is too risky but we need to try. Ito lang ang tanging paraan para malaman na natin kung anong totoo sa likod ng pagkamatay ni Ms. Amanda. Tayo ang nadidiin. Ayokong isa sa atin ang maexpelled dito sa kasalanang hindi naman natin ginawa." Paliwanag ko. I need to convince them na sumang-ayon sa plano ko.

     "Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo, ha?" Tanong ni Bright habang seryosong nakatingin. "Baka naman ipahamak mo lang kami."

     "Of course not, Bright. Alam kong marami tayong hindi pagkakaintindihan peeo trust me. Ito lang ang paraan para malaman natin kung ano ba talagang totoo. I-set a side mo muna ang galit mo sa'kin at magtulungan tayong pito. Ako ng bahala magpaliwanag sa dalawa mamaya." Sabi ko.

     "So spill the beans now, Krist. Makikinig kami." Singit ni Arissa. Nakaupo silang dalawa ni Audrey sa hindi kalayuan sa akin.

     "Kaming tatlo ni Saint at First ang gagawa. Maghihintay lang kayo rito. Kayong tatlo ang magiging look out namin. Here.." Ipinatong ko sa lamesa ang isang laptop at binuksan. "Connected na 'yan sa CCTV Camera ng buomg campus kaya mamomonitor niyo kami. We'll call you kapag may emergency na nangyari."

     "Yun na 'yon? Yung lang?" Hindi ko pinakinggan si Bright.

     "Kayong tatlo ang magiging pampalito kung sakaling mahuli kami. Kaya niyo naman magconstruct ng valid na reason, 'di ba? In short kayo ang magiging ally. Gamitin niyo ang talino niyo."

     "Noted." Kumento ni Audrey. Ang tanging ilaw lang namin ay isang lampara na napulot ko dito sa loob.

     "Bakit mo 'to ginagawa, Krist?" Tanong ni Arissa habang nilalaro ang buhok nito.

     "For us. Ayaw niyo rin naman kumalat ang totoo, 'di ba?" Sandali akong huminto at tiningnan kung anong magiging expression ng mga mukha nila. "Alam kong pare-pareho tayo ng gusto, ang hindi kumalat kung anong ginawa natin ilang months na ang nakalipas."

     "Past is past." Kumento ni Bright.

     "But that past can bring us to hell, Bright." Hindi ko alam. Minsan, mabait ako. Minsan, hindi.

     Sa halip na makipag-argumenti pa ako sa kaniya, umiwas ako ng tingin at itinuon nalang ang pansin sa plano ko.

     "Kaming dalawa ni First ang maghahanap sa loob ng Principal's Office para makahanap ng mga clues or evidence na pwede naming magamit. Also, Saint will go and delete footages kung saan makikita kami. Magaling siya sa technology kaya hindi siya mahihirapan gawin 'yon. He can create viruses din na pwedeng makasira ng School System, 'di ba?"

     Tumango si Arissa. "Yeah. Pero sigurado ka ba na this plan will work?"

     "All you need to do is to wait and to trust me. Akong bahala."

     "Fine.." Kumento ni Bright. Nakasandal siya sa lumang pader habang may kung anong kinakalikot sa walkie talkie niya.

     "You can use your walkie talkies in case of emergency. Fully charge ang laptop ko kaya hindi agad 'yan malo-lowbat." Paliwanag ko.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon