Chapter 9: Mysterious Device

3.5K 32 0
                                    


CHAPTER 9
KRIST'S P.O.V

     Who would have thought na may gustong makasama ako? Na may gustong kumausap sa'kin? Na may gustong makipagkaibigan sa 'kin? All this time, mag-isa lang ako. No one wants to talk to me. No one wants to be friends with me.

     Sanay naman ako. I don't want to please everybody para magustuhan nila ako. This is me. This is the real me. This is the real Kristian Lopez.

     "Sana mapag-isipan mo ng mabuti 'yang desisyon mo. Malaki ang maitutulong nito sayo." Sabi ng kausap ko. Nakakawalang gana.

     "You heard me, right? A-yo-ko." Ibinalik ko sa kaniya ang sobreng may laman na pera. Hindi ko kailangan dungisan ang kamay ko para sa sarili ko. I will never do that.

     "Hindi na kita pipilitin."

     "Hindi mo naman talaga ako mapipilit." Tumingin ako ng diretso. "Hindi ko kayang dungisan ang kamay ko para sa malaking pera na asa harapan mo. That is your problem at ikaw mismo ang kailangang lumutas niyan."

     Halatang kinakabahan siya. "Don't worry. Your secret is safe.. for now."

     Kailangan kong maging matapang kahit kinakabahan din ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung anong nangyari. Ayoko lang madamay.

     "Thank you for coming." Tumalikod na ako pagkatapos niyang magsalita. Nakakasawa makinig sa mga explanation at offers niya. Nagsayang lang ako ng oras sa pagpunta para kausapin siya. Nakahiga na sana ako and watching some Detective Movies sa Netflix ngayon.

     Paglabas ko ng office ay bumungad sa harapan ko si First na gulat na gulat nang makita ako. "What are you doing here?"

     "Ako ba dapat tinatanong niyan o ikaw?" Tanong ko sa kaniya pabalik. Hindi ko na siya hinintay na sumagot at naglakad na palayo sa kaniya. Wala akong oras makipag-usap sa kanila.

     Masyadong malakas ang ulan. Wala naman sa news na may paparating na bagyo. Bumaba na ako at dumiretso sa room ko.

     Nakita ko si Ms. Amanda na kausap si Chimon. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanila. Alas-Diyes na pala ng gabi. Dapat sa mga ganitong oras ay wala ng estudyante sa labas. Lahat kami.

     "Why are you still here? Nasa Rule Book 'di ba na bawal lumabas ng ganitong oras?" Matapang na tanong sa kaniya ni Ms. Amanda. Si Ms. Amanda ang School Guidance namin.

     Paano ko ba siya ilalarawan? Hm.. Evil Amanda. Mas maganda.

     Ako na ang sumagot dahil naboboring ako sa conversation nilang dalawa. Walang dating.

     "Tinawagan ko siya para pag-usapan kung anong dapat gawin sa mga lalaking 'yon." Napatingin silang dalawa sa'kin. Nakita ko 'yung dalawang lalaki na kanina pa naka-upo sa bench. Hindi ko alam kung anong pinagu-usapan nilang dalawa. Mukhang seryoso.

      "Ako ng bahala sa mga 'yon. Thank you for your concern." Dahan-dahan ng naglakad palayo sa'min si Ms. Amanda. Halatang kinakabahan si Chimon dahil sa itsura niya.

     "Ahm,  Kris—"

     Wala akong oras makipag-usap sa kaniya so I cut him off bago ko pa marinig ang salitang 'Salamat' sa kaniya.

     "Kung magpapasalamat ka dahil sa ginawa ko kanina, hindi para sayo 'yon. Huwag mong isipin na tinulungan kita. You don't deserve it." Sabi ko bago ipukol ang matalim na tingin sa kaniya.

     "I'm not going to help anybody especially you and other Star Captain. Wala akong pakialam sa inyo." Napansin ko ang kamay niyang naka-kuyom. Halatang pikon. "Are you going to punch me with your dirty hands? Matapos kitang tulungan?

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon