Epilogue

1.3K 11 0
                                    


EPILOGUE:
CHIMON'S P.O.V

      Unti-unti kong dinilat ang mata ko. Naramdaman kong parang napakabigat ng katawan at pakiramdam ko. Hulo kong naalala ay yung nagkita kami ni Audrey. 'Yun
lang. Hindi ko rin matandaan kung bakit ako nandito.

     "Gising ka na pala." Sabi ng lalaking nasa harapan ko. Napansin ko rin yung lalaking nakaupo sa paanan ko.

     "Sino kayo? Bakit kayo nandito? Anong ginagawa ko rito? Alam niyo ba?" Sunod-sunod kong tanong. Hindi muna sila sumagot pagkaraan ng ilang segundo.

     "Tumayo ka na diyan. Kailangan ka ng mga kasama mo."

     Napakunot ako ng noo. "Bakit?"

     "Mamaya na namin ipapaliwanag sa inyo. Kailangan mong makinig sa mga sasabihin namin. Tandaan mo lahat. Kakailanganin niyo kami. Hindi pwedeng malaman ng Principal O Director Eladio na nakikipag-usap kami sa inyo. Matatanggal kami at kapag matanggal kami hindi na namin mababalaan lahat ng mga pag-aaralan niyang bata."

     Hindi ko masyadong maintindihan kung anong mga sinasabi niya. Nabablangko pa rin ako hanggang ngayon.

     "Hindi kami pwedeng magpakilala."

     "Bakit?" Pagtataka kong tanong.

     "Basta. Pinsan ko si Zach Collins from 10-Gifted na nagpakamatay." Sabi ng lalaking nakatayo habang nakatingin din sa akin 'yung lalaking nakaupo.

     "Pinatay." Pagtatama ng lalaking nakaupo. "Pinatay siya hindi nagpakamatay."

     Sa itsura ng lugar parang nasa clinic ako dahil puro gamot ang paligid at iba't-ibang mga gamit pang-hospital.

     "Ha? Anong ibig niyong sabihin? Tsaka, pwede bang magpakilala kayo? Hindi ako basta-basta nagtitiwala sa taong ngayon ko pa lang nakakausap." Sabi ko.

      "Pero kailangan mong magtiwala sa amin. Hindi kami pwedeng magpakilala para maiwasan ang leaking ng information at para safe pa rin kaming mag-aral dito. Kumikilos na rin ang ibang Student Council para bigyan ng babala ang iba niyo pang kasama. Nasa Laboratory Room sila Mr. Eladio kaya may oras pa kaming kausapin kayo." Sabi ng lalaking nakaupo at nakauniform na may badge din sa kanang dibdib niya na may malaking 'A'. Parang kagaya siya ng binigay na pin sa amin ni Ms. Amanda noong mi-neeting niya kami.

     Umayos siya ng upo at muling humarap. Hindi ko sila kilala kaya hindi ko maintindihan kung magtitiwala ba ako sa mga sinasabi nila. Bigla nalang silang sumulpot dito without ang reason. Ni hindi rin sila nagpapakilala.

     "Alam kong mahirap magtiwala ngayon, pero pagkatiwalaan niyo kami." Sabi ng lalaking nakatayo.

     "Paano ako makakasiguro?" Paniniguro ko. Ramdam ko naman na sincerity nilang dalawa para matulungan kami. Simpleng mga bata lang kami. Anong laban namin sa Principal.

     "Dahil biktima rin kami." Sabi ng lalaking nakatayo.

     Nananatili lang akong nakatingin sa kanilang dalawa habang nakikinig sa mga sasabihin nila.

     "Mr. Eladio hired a private killer para patayin si Zach since mag-isa lang siya sa unit niya that time. Wala ang parents niya ng mga panahong 'yon dahil bumili ng groceries malapit sa unit sa kanila." Bahagya siyang tumingin sa akin. Umayos naman ako ng tayo sa malambot na kamang hinihigaan ko.

     "Alam niya lahat ng kalaran dito sa Arthit High. Isa na ron kayong mga Star Captain na pinag-aaralan nila." Paliwanag nito.

     "Paano niyang nalaman?" Tanong ko.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon