Chapter 37: Still Alive?

1.7K 21 0
                                    


CHAPTER 37
BRIGHT'S P.O.V

Kung may isang bagay man akong pinagsisisihan ngayon ay 'yung pumayag akong sumali sa kompetisyon na ito nang hindi nakakasigurado kung ano bang nilalabanan ko.

"Arissa! Kapit lang. Malapit na tayo." Sabi ko.

Hingal na hingal na ito habang akay-akay ko. Nahihirapan na rin ako makahinga dala ng sobrang hingal dahil sa pagtakbo.

"Br-ight. Hi-ndi dap-at nat-in iniwan si Chimon ng mag-isa." Utal-utal niyang pagkakasabi. Kahit ganon siya magsalita, naiintindihan ko pa rin. Pababa na kami ng hagdan.

"Kailangan niyang lituhin yung mga lalaking nanghahabol sa atin in order for us na makatakas dalawa. Mas mahihirapan tayo kapag hindi niya ginawa 'yon." Sabi ko.

Sandali kaming huminto. Hingal akong sumandal sa barrier ng hagdan. Siya naman napaupo sa sahig.

"Nasa'n sila Krist? Si First at Saint?" Tanong niya.

Hindi ko rin alam. "Baka nandon na sila sa lumang building. Tayong tatlo nalang ang wala."

"Ano yung sinasabi niya kaninang hindi tayo normal na mga bata at pinag-aaralan tayo ng Principal?" Takang tanong niya.

Napatingin ako. Maging ako ay nagtataka rin sa mga sinabi niya. Hindi ko maintindihan. Sinusubukan kong intindihin, pero hindi kayang iabsorb ng utak ko dahil sa mga nangyayari ngayon.

"Hindi ko maintindihan pa sa ngayon, pero iisa lang ang nasisiguro ko. Pinag-aaralan tayo ng Principal at tayong pito ang ginagawa niyang instrumento sa pag-aaral na 'yon. Posible rin na pinag-aaralan na nila si Audrey." Sabi ko.

"Si Audrey!?" Napatayo ito. Halata ang gulat sa mukha niya.

"Oo. Pero sana hindi tama ang hula ko." Napalamukos ako ng mukha. Akala ko competition lang ito, pero hindi pala. Isa lang pala itong patibong.

"Si Chimon? Nasa'n ba talaga siya?"

"Hindi ko talaga alam. Ang sabi niya ililigaw niya lang 'yung mga lalaking nanghahabol sa'tin kanina. Tara na! Baka maabutan pa nila tayo rito." Sabi ko.

Nagsimula na ulit kaming tumakbo papunta sa likuran ng School. Palinga-inga kami sa likuran para makasigurong walang taong nakasunod sa amin.

"Dito! Bilisan mo!" Hinawakan ko na ang kamay ni Arissa para magkasabay kaming dalawa.

"Sandali lang! Hinihingal pa ako." Reklamo niya.

"BILISAN MO! Malapit na sila."

Nung muli akong lumingon sa likuran nakita ko sila. Naghahanap.

"YUKO!" Mabilis kaming yumuko ni Arissa. "Huwag kang gagalaw. Makikita nila tayo. Nakatingin sila sa atin kaya isang galaw mo lang lahat tayo mapapahamak." Sabi ko.

Napapikit nalang siya at halatang kinakabahan. Hindi rin ako gumagalaw.

May naririnig akong naglalakad mula sa likuran pero hindi ko pinapansin. Alam kong sila 'yon. Nakatago kami sa damuhan kaya hindi nila kami kaagad makikita.

"Pagkabilang ko ng tatlo sabay tayong tatakbo pabalik sa oval." Sabi ko.

"HA!? BAKIT!?" Takang tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Kung tatakbo kami papunta sa lumang building, kaming lima ang mapapahamak. Kung sabay kaming tatakbo at maghihiwalay papunta sa oval, posibleng dalawa lang sa amin ang mahuli nila.

"Hindi tayo pwedeng tumakbo papunta sa lumang building. Kung gagawin natin 'yon, pati sila madadamay. Kailangan din natin magsakripisyo gaya ni Chimon."

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon