Chapter 27: Are you brave enough?

2.2K 19 0
                                    


CHAPTER 27
FIRST'S P.O.V

"Nakita ang finger print mo sa boteng 'to. Hindi lang sayo ang nakita. Pitong finger print na galing sa magkakaibang tao." Nanlaki bigla mata ko dahil sa pulis na kausap ko. Hindi ko alam kung totoo ba mga sinasabi niya

"Hindi ko 'yan hinawakan kaya imposibleng may finger print ko ang bote na 'yan." Nakalagay sa isang seliable plastic bag yung tinutukoy niya.

"So sinasabi mong mali ang test na ginawa rito? Sinasabi mo bang nagsisinungaling ang mga NBI? Na tampered ang ginawang test?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Hindi. Hindi ko rin alam kung nagsasabi ka ng totoo o hinuhuli mo lang ako para aminin ang kasalanang hindi ko ginawa?" Ako lang naman ang humawak ng biteng 'yon kaya imposibleng mayroong ibang kamay na nakita. Hindi rin naman nahawakan ng mga lalaking pumasok sa loob ng office ng Principal noong gabing pumasok din kami ni Krist.

"Hindi ugali ng mga pulis na magsinungaling kapag may krimen na kailangan ng hustisya. Kailangan managot ng dapat managot." Sabi nito.

"Hindi ko rin ugali magsinungaling at akuin ang kasalanan ng iba na hindi ko ginawa. Hindi ako magdudusa sa kasalanan ng iba."

****
KRIST'S P.O.V

"Mr. Kristian Lopez. It's nice to see you ag—"

"Just ask me what ever you want to ask para matapos na 'to. Marami pa akong gagawin." Hindi ko na siya pinatapos. The more na magpatumpik-tumpik kami, mas lalo lang kaming magtatagal dito.

"Nakita ang finger print mo sa boteng ito." Pinakita niya ulit yung boteng maliit na nakalagay sa isang reseable plastic bag. "Ito ang pinaglagyan ng lason at nakita ang lason sa tubig na ininom ni Ms. Amanda bago siya mamatay."

"At sigurado ka bang akin ang finger print na 'yan? Hindi po akin 'yan." Sabi ko nalang.

"Ibig mong sabihin na tampered ang result na ginawang test dito?" Tanong niya ulit.

"Maybe? I guess. Hindi naman imposible 'yon sa panahon ngayon." Sagot ko.

Buti nalang talaga pulis si Daddy. Tinuruan niya ko kung paano sumagot sa mga ganitong investigation at kung paano makatakas sa ganitong sitwasyon ng hindi ikaw ang napagbibintangan.

I'll take this as a self defense. Hindi man physical kundi mental and emotional. Buti nalang lumaki akong matalino at alam ang ibang mga bagay.

Biglang sumakit ang ulo ko ng hindi ko alam ang dahilan. May kung anong senaryong nagregister sa paningin ko habang nakapikit ako. Hindi normal 'tong pangyayaring nakita ko.

Hindi ko masyadong maaninag, pero may taong wala ng buhay. Nagkakagulo. Hindi ko alam kung bakit maraming dugo. Madalas ko 'tong makita sa tuwing sumasakit ulo ko. Hindi ko lang maintindihan. Nagregister na rin sa'kin ito dati. Hindi ko lang matandaan kung kailan.

Hanggang sa nakita ko nalang si Inspector, Erik Santos na mahina akong sinasampal. Duon ko lang napagtanto na nawalan pala ako ng malay.

"Okay ka lang?" Tanong niya. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Ano pong nangyari?" Takang tanong ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid, andaming pulis na nakapalibot na sa'kin.

Bakit nandito sila? Huhulihin na ba nila ko? Makukulong na ba ko? Huwag naman sana. Dahan-dahan niya akong inalalayan na makatayo at iupo sa bakanteng upuan sa gilid ko.

"Bigla kang nahilo at tuluyang nawalan ng malay noong kinakausap kita kanina." Sagot ni Police, Inspector Erik Santos.

"Nahimatay ka siguro dahil sa kaba, hijo." Kumento naman ng isa sa harapan ko. "Magpahinga ka muna at we will resume the investigation mamaya."

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon