"BAKIT bigla mo na lang naisip na umalis, ha?" Tanong sa akin ni Mild, nandito ako sa kuwarto niya at ginagamot ang sugat sa braso niya. Dumiin ang hawak ko sa bulak. "Ouch! Dahan-dahan naman."
"Hindi mo ba nakita? Napaka delikado nang ginagawa ng Class zero. I will not risk my own life para lang patayin ang mga lawbreakers na iyon," paliwanag ko sa kanya. Kinuha ko ang benda at sinimulang talian ang kanyang braso.
"Bakit? Are you scared?" Tanong niya.
"Ikaw ba, hindi ka natatakot?" Pagbabalik ko nang tanong kay Mild.
"I'm not. Ang cool nga dahil kailangan nating makipaglaban sa mga lawbreakers, we're all like a hero. A class of heroes!" Akmang papalakpak siya ngunit kumirot ng matindi ang kanyang braso kung kaya't napatigil siya.
"Ikaw 'yan, Mild. Ayokong mamatay, ayokong malungkot ang mga magulang ko." Paliwanag ko sa kanya.
"Don't waste your ability, Jamie. Gamitin mo 'yan para magligtas ng mas maraming buhay." Sabi niya sa akin. Poprotektahan mo ba ang buhay ng iba pero itataya mo ang sarili mong buhay? Heck no!
"No, buo na ang desisyon ko. Mamumuhay na lang ako rito sa Merton Academy na para bang isang normal na estudyante. Iisipin ko na lang na wala akong narinig o nakita tungkol sa class zero." paliwanag ko sa kanya at nagsimula na akong ligpitin ang mga ginamit ko at ibalik sa medical kit.
Tumayo na ako at akmang lalabas na pero may pahabol pa si Mild. "Hindi mo matatalikuran ang Class zero, trust me." Paliwanag niya. Nagbuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad paalis.
Pumasok ako sa dorm room ko at humiga sa kama. Nakatingin lamang ako sa kisame at naalala ang mga nangyari kanina. Ang mga dugo, muntik na rin mapahamak ang buhay ni Mild, Ace, at Seven. I don't want to do that dangerous mission.
Ilang minuto rin akong naktingin sa kisame bago ko ipinikit ko ang aking mata at natulog.
***
THE next week, hindi ako um-attend sa klase ng Class zero nitong monday at wednesday. Parang may kulang sa mga ginagawa ko pero dapat na rin akong masanay.
Nakaupo ako sa bleachers kasama sina Diana, Casey, at Aris. Pare-parehas kaming walang klase at nagpapaubos na lang ng oras. Habang nakaupo kami sa bleachers ay pinagmamasdan lamang namin ang mga estudyanteng lumalabas na sa school o kaya naman ay ang mga varsity players na nagpa-practice sa field.
"'te, ba't hindi na kita nakikita sa klase ng Class zero? Noong nakaraang nag-PE sila wala ka." Sabi sa akin ni Aris habang kumakain ng paborito niyang Bistro donut. Naisip ko na rin na baka magtanong sila tungkol dito at kailangan ko pa ring maging maingat dahil baka may masabi ako tungkol sa mga activities na ginagawa ng Class zero.
"I quitted," sagot ko na ikinabigla nila. "Ang OA naman nang mga reaksyon ninyo , 'te! Hindi naman kasi mandatory ang klaseng iyon kaya ida-drop ko na." Hindi pa ako pumupunta sa school's office para ipa-drop ang subject na iyon pero baka sa sabado ko na gawin.
BINABASA MO ANG
Class Zero
FantasyIsa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademiko at mga laro. Ngunit may isang klase sa loob ng Merton Academy ang tinitingala ng lahat ng estudya...