JAMIE"VINCENT, ang bagal mo," nakangiti kong sabi habang naglalakad kami palabas ng school, pinagmamasdan ko ang lamp post na nadadaanan na. "Are you not excited about this mission?" tanong ko sa kanya.
"Gusto mo ba talagang sagutin ko yung tanong mong 'yan," bagot na bagot ang ekspresyon ng mukha ni Vincent habang naglalakad kami. "Hindi ko alam kung bakit dapat pa kitang samahan sa misyon mo. This is your mission ALONE."
Hindi ko pinansin ang kanyang reklamo, sumusunod naman sa akin si Vincent sa paglalakad. Honestly speaking, excited talaga akong gawin itong mission na ito dahil na rin ito ang kauna-unahang mission na gagawin ko mag-isa, there's a tendency na makapag-compact ako sa servant of illusion and dreams. Kailangan din naming makabalik bago pa man din ang birthday ni Teddy. Sabi ni Mild ay kailangan namin itong i-celebrate na magkakasama.
"You know what, ginawan na kita nang pabor. Sabi mo bored ka na sa zero base kung kaya't tinulungan lang kita na makalabas." sabi ko sa kanya. Nakalabas na kaming dalawa sa school at naglalakad na patungo sa bus stop.
"Wow, utang na loob ko pa ngayon sa 'yo na isama mo 'ko, ha. First of all, hindi ko 'to hiniling sa 'yo." reklamo niya muli, wala na akong ibang narinig sa bibig ni Vincent kun'di puro reklamo pero sumusunod naman siya sa akin.
"And hindi ka ba natatakot? Ngayong nakalabas na ako sa school at ikaw lang ang class zero na kasama ko... pwedeng-pwede kitang takasan."
"Kung tatakasan mo 'ko, e'di sana kanina mo pa ginawa," bumaling ang tingin ko sa kanya at ngumiti. Mabilis na umiwas nang tingin si Vincent. "Gusto ko rin ipakita sa 'yo, Vincent, hindi kami masama. Ipinaglalaban naming class zero ang mga bagay na tama."
"E-ewan ko sa 'yo." Nauna siyang maglakad sa akin. "Bilisan mo, baka maiwan pa tayo ng bus."
I smiled when I saw him acted like that. Mabait naman pala si Vincent, he just need direction. Kailangan niya lang ng tao na magpapa-realize sa kanya na gawin ang tamang bagay. "Hintayin mo ako!" sigaw ko.
Pagkarating namin sa bus stop ay saktong may biyahe na bus paalis. Huling biyahe na raw ito ngayong gabi at mabuti na lang talaga at umabot kaming dalawa.
Habang nakaupo kami sa bus ay kinukulit ko pa rin si Vincent. "So, Vincent, kwentuhan mo naman ako tungkol sa 'yo."
"Alam mo, sa lahat ng class zero... ikaw ang maraming tanong. Si tito boy ka ba? Fast talk ba 'to?" Inilagay niya ang kanyang earphone sa kanyang tenga pero hinila ko ito. "Ano ba!"
"Kausapin mo kasi ako, mahaba-habang biyahe 'to."
"E'di matulog ka."
"Hindi ako inaantok. Kwentuhan mo na lang ako tungkol sa 'yo, Ilang taon ka na ba?" tanong ko.
"Kulit," sabi niya sabay kamot sa kanyang tenga. "Fifteen pa lang ako."
"Three years younger ka pala sa akin. Little bro!" I raised my hand na parang nakikipag-apir sa kanya pero tiningnan niya lang ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Class Zero
FantasyIsa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademiko at mga laro. Ngunit may isang klase sa loob ng Merton Academy ang tinitingala ng lahat ng estudya...