PAGKAPASOK ko sa dorm room ko, hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. I mean, yeah, dati nangangarap ako na maging isang wizard o kaya naman ay magkaroon ng special power. But as I grew up, hindi na rin ako naniniwala sa magic.
"Para ba sa mga Harry Potter fans ang klaseng iyon?" tanong ko sa akin sarili. Pilit kong pinapaniwala ang aking sarili na hindi totoo ang mga nasaksihan ko kanina o kaya naman ay narinig. Pero yung pagpapalit ng kulay ng mata ni sir Joseph... iyon ang pinanghahawakan ko na parang totoo ang lahat.
"Class you're all not an ordinary students, hindi lang kayo basta-bastang matatalinong tao. May kakaibang kakayahan din kayo, kakayahan na maaari ninyong gamitin upang puksain ang mga lawbreaker." Paliwanag sa amin ni sir Joseph. Halos lahat sa amin ay hindi naniniwala sa kanyang mga sinasabi. I mean, hindi na kami bata para maniwala pa sa magic.
Mabilis lang natapos ang klase kanina dahil orientation pa lang ang naganap kanina. Pero yung shookt ko, aabot yata hanggang next week.
Gabi na, malalim na ang gabi. Hirap talaga ako makatulog kung kaya't naisipan kong dumaan muna sa malapit na convenience store mula sa Merton Academy. Kumuha ako ng instant noodles at pinainit na mismo sa may staff sa convenience store.
Habang kumakain ako ng noodles ay may biglang tumabi sa akin. Isang babae na may maputing balat at malaki ang bilugang mata nito, may kulay din ang buhok nito ngunit bumagay naman ito sa kanya. "Can't sleep?" Tanong niya sa akin.
Napakunot ako ng noo dahil hindi ko naman siya kilala pero kung tanungin niya ako ay akala mo bestfriend kami for 5 years. "Hindi mo ako naaalala? I am Mild. Classmate mo ako sa Class Zero." Sabi niya sa akin.
Mahina talaga ako sa pagtanda ng mga mukha, si Kiran at Kiryu lang ang natandaan ko kanina.
Bumuntong hininga ako. "Hindi ako makatulog dahil na rin sa mga nakita ko kanina." Pag-amin ko sa kanya, nasa parehas lang naman kaming sitwasyon kung kaya't siguro naman ay okay lang na sabihin sa kanya ang bagay na iyon.
"Same, hindi rin ako makatulog. Nagulat din ako sa mga nakita ko kanina," sabi niya sa akin, binuksan niya ang potato chips na kanyang binili at inalok niya ako. Tumanggi naman ako sa kanya. "Pero hindi ko alam kung nararamdaman mo rin 'to. May part sa akin na naniniwala sa sinabi ni sir Joseph." Sabi niya sa akin.
Somehow, totoo ang kanyang sinabi. Alam kong parang ang layo sa katotohanan ng mga sinabi ni sir Joseph sa amin. Pero mayroong parte sa akin na naniniwala sa kanyang sinabi.
Naalala ko na hindi ko pa nai-introduce ang sarili ko sa kanya. "A-ah ako nga pala si—"
"You're Jamie from college of Science." Sabi niya sa akin. "Bago pa man magsimula ang pasukan ay nag-research na ako tungkol sa mga kabilang sa special class na ito." Dugtong niya pa.
"Honestly, you're creeping me out." Pag-amin ko na ikinatawa niya.
Sabay kaming kumain at naging maayos naman ang flow ng conversation naming, although, pansin ko na parang masyadong seryoso itong si Mild at ang misteryoso ng dating niya para sa akin.
BINABASA MO ANG
Class Zero
FantasyIsa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademiko at mga laro. Ngunit may isang klase sa loob ng Merton Academy ang tinitingala ng lahat ng estudya...