Chapter 83: Dodgeball

41.8K 3.1K 2.8K
                                    

Twitter hashtag: #ClassZeroCompetition

ITO ang unang beses kong makapasok sa sports complex ng Philippines area, I mean ang laki ng lugar at biglang nanlamig ang aking kamay sa kaba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ITO ang unang beses kong makapasok sa sports complex ng Philippines area, I mean ang laki ng lugar at biglang nanlamig ang aking kamay sa kaba.

Makakalaban namin ang ibang estudyanteng may abilities kagaya namin kung kaya't hindi namin sila puwedeng maliitin. The emcee introduced the participating schools in this competition at tsaka lang sila pupunta sa center ng arena para pumila. "The first school, Sahandra Academy!" Sigaw noong emcee at may pitong kabataan na naglakad papasok sa arena.

"You should be careful kay Topher, his power is Ice." Bulong sa akin ni Mild. Napatingin ako sa lalaking tinuturo niya, he have a dark gray hair and a messy hairstyle. Hindi rin nagpapakita ng emosyon ang kanyang mukha at diretso lang na nakatingin sa kanilang nilalakaran. "He is the leader of Class Terra of Sahandra Academy."

"Bakit alam mo ang tungkol sa bagay na iyan?" I mean, ako lang yata ang hindi nakakaalam sa mga taong may abilities sa ibang school. Aware ako sa school pero hindi ako aware na may mga glitches sa school nila.

"Hindi ka naman kasi nakikinig kapag nagdi-discuss si Sir Joseph," reklamo sa akin ni Mild. "Puro kayo tsismis ni Kiryu."

Eh ang sarap kayang kakuwentuhan ni Kiryu!

"Ikaw din naman ah."

"Nakikinig pa rin ako," pagmamayabang niya. "Aral-aral din, Jamie." Yumakap sa akin si Mild at pinagmasdan ang mga sumunod na school na pumasok sa arena.

Sahandra Academy (7 members)
Arcadia Academy (9 members)
Dissidia University (7 members)
Valthyrian Academy (8 members)
Prolus Academy (9 members)
Kirenai University (10 members)
Al-Rashia Academy (8 members)

Sobrang namangha ako noong makita ang mga representatives ng bawat academy. Ang gaganda pa ng uniform nila na para bang elite students sila ng school nila. As much as I want to be friends with them, mukhang seryoso sila sa kompetisyon na ito. I can't blame them, kahit kami rin naman seryoso sa bagay na ito.

"Class Zero of Merton Academy!" Sigaw noong emcee at naglakad kami papasok sa arena sa pangunguna ni Seven. May mangilan-ngilan na nanonood dito na sinabi ni Mild na mga miyembro ng asosasyon at gusto nilang makita ang capabilities ng nga batang glitches sa panahon ngayon.

Humilera kami sa gitna ng arena pero pakiramdam ko ay nasa amin ang atensyon ng mga kakumpetensiya naming school.

Saglit lang na nag-explain patungkol sa kung ano ang mangyayari sa event. In this competition, we are allowed to use our abilities sa mga games na sasalihan namin. The oganization pointed that this is just a 'for-fun-competition' para lang makita nila ang capabalities namin.

Ang unang laro ay dodge ball. Kada-team ay bubuuin ng anim na miyembro at magkakaroon ng laglagan hanggang magtapat sa finals ang dalawang team na matitira for the final game. Ang rules, tanging ang mga kasali lang sa game ang puwede gumamit ng mga abilities at kahit masalo mo ang bola... you can't revive another player in the game.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon