DUMATING ang araw ng Foundation week. Ang kulay ngayon ng paligid sa Merton Academy. May mga banderitas, stalls, mayroon ding marching band na nag-iikot sa paligid, may market area din sa may park. Open ngayon ang lugar sa mga taong gustong pumasok kahit hindi estudyante ng school kung kaya't ang dami talagang tao.
"Ang ganda ng school ngayon, 'no!" Sabi ni Mild habang nag-iikot kaming dalawa kasama si Kiryu. Parehas silang nakasuot ng 'Happy 110th anniversary' na headband. Ibig sabihin ay 110th years na ang nakakalipas simula nung maitayo ang Merton Academy.
"Sinabi mo pa!" Sabi naman ni kiryu. "'Diba ngayon na yung laro ng Volleyball nina Ace?"
"Oo nga! Tara sa activity center, panuorin natin yung mga taga-Class zero!" sabi naman ni Mild at hinatak na naman niya kaming dalawa.
Ngayon din kasi gianganap ang sport fest at nag-insist talaga si Ace na mag-participate kaming lahat sa mga activities. Isinalang ako nila Ace sa quiz bee na gaganapin mamayang alas-tres ng tanghali. Sinali nila si Girly sa punching machine game, at kung saan-saan pa sila sumali. Pero ang unang game ngayong araw ay Volleyball boys kung saan sina Ace, Seven, Kiran, Teddy, Roger, at Kiryu. Hindi ko nga alam kung bakit kasama namin si Kiryu sa paggagala, eh.
"Hoy Kiryu! Kasali ka sa volleyball doon, ha!" Bilin ko sa kanya. Paniguradong mabi-beastmode na naman ang kakambal niyang si Kiran dahil sa ginagawa nito.
"Ha? Nandoon naman ako," depensa niya sa kanyang sarili.
"Paanong nando--" naputol ang aking sinasabi nung bigla kong naalala kung ano ang ability ni Kiryo. "Huwag mo sabihing nag-send ka ng clone sa Activity center para makapaggala."
"Mismo!" He proudly said at piningot naman siya ni Mild. "Ah! Aray! Masakit ano ba!"
"Kailangan mong bilisan siraulo ka! Kapag may nakaalam nang ginagawa mong kalokohan ay paniguradong mayayari ka kay sir Joseph." Bilin sa kanya ni Mild.
Pagdating naman namin sa Activity center ay mabilis ding nawala ang clone an ginawa ni Kiryu kung kaya't walang nakapansin. Ang daming tao ngayon sa activity center. Engineering at Class zero ang maglalaban. Maraming tao ang nandito dahil gusto nilang makita kung paano maglaro ang Class zero.
"Excuse me... Excuse me..." Paulit-ulit naming sabi ni Mild ngunit anong try talaga namin ay hindi kami makapunta sa harap para makanuod.
"Mild, mukhang hindi tayo makakanuod dahil sa dami ng tao." Sabi ko sa kanya. Imposible nang makaupo kami
"Watch me, minsan talaga kailangan nating ipakita na superior tayo." Tumaas-baba ang kilay sa akin ni Mild and this time, batid ko nang may pinaplano siya.
"Tumabi kayo!" Malakas na sigaw ni Mild kung kaya't napabaling ang tingin sa kanya ng mga tao. "We're from class zero." Pagmamayabang niya at habang naglalakad kaming dalawa ay nahahawi ang mga tao sa dinadaanan namin.
BINABASA MO ANG
Class Zero
FantasyIsa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademiko at mga laro. Ngunit may isang klase sa loob ng Merton Academy ang tinitingala ng lahat ng estudya...