Chapter 64: The Greatest Enemy

44.2K 3.3K 1.8K
                                    

Twitter hashtag: #ClassZero64

MAG-A-ALAS OTSO na noong makarating kami sa Merton Academy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAG-A-ALAS OTSO na noong makarating kami sa Merton Academy. May ilang estudyante pa kami na nakasalubong na ngayon pa lang din papauwi. Grabe! Ilang araw pa lamang kami na nawawala ay na-miss ko agad ang school.

Pagkababa ko pa lang ng van ay sinalubong agad ako ni Mild mg isang mahigpit na yakap. "Jamie na-miss kita! Bored na bored ako sa Merton Academy noong wala ka!" She said while she's rubbing her cheeks on mine.

"Mild, ang ingay mo. Ang sakit mo sa tenga." Pabirong sabi ni Teddy.

"Epal, wala ka bang kalaro noong elementary ka at nakiki-epal ka?" Umirap si Mild sa kanya. Kinuha na namin ang duffle bag sa likod ng van. Alam ko naman din na hindi rin kami agad makakapagpahinga dahil paniguradong magpapatawag ng meeting si Sir Joseph after mag-report sa kanya ni Seven.

"Guys!" Nakita namin na tumatakbo sa aming direksyon si Claire habang may yakap-yakap na mga libro. Claire smiled to us. "Mabuti at nakabalik kayo ng Merton nang ligtas."

"Claire, I love you daw sabi ni Teddy Bear." Pambawi ni Mild sa pang-aasar ni Teddy sa kanya kanina. Mabilis na namula ang mukha ni Mild.

"H-Ha?! W-Wala akong sinasabi. Huwag ka ngang naniniwala sa babaeng walang powers na 'yan. Gago 'yan." Teddy defensed.

"Hoy may powers ako! Secret pa lang muna. Sa sobrang secret, maging ako hindi ko pa alam!"

Mabuti na lang talaga at sobrang pagod si Kiryu kung kaya't hindi siya nakikisali sa awayan ng mga kasama namin ngayon. Paano ba naman, sobrang active mamitas ng strawberry sa Strawberry Farm kanina tapos ang daldal niya buong biyahe. Ayon, sobrang na-drain.

Seven clapped three time at nakuha no'n ang atensyon namin. "Ilagay na ninyo ang mga gamit ninyo sa room ninyo. Magre-report lang ako kay Sir Joseph," tumingin si Seven sa kanyang relo. "8:30, may meeting tayo sa Classroom. Claire, inform mo yung ibang members na wala rito."

"Hindi ba puwedeng bukas na lang 'yan? Nakakapagod kaya magmaneho from Baguio to Manila!" Reklamo na naman ni Teddy.

Seryoso lang siyang tiningnan ni Seven.

"Tangina sabi ko nga hindi. Puta naman, kailan ba ako mananalo sa 'yo?" Nanlulumong naglakad si Teddy papunta sa dorm nilang boys.

Magkasama kami ni Mild na bumalik sa room ko at sobrang active niya magkuwento. Sobrang easy daw noong competition na in-attend-an nila kung kaya't naiuwi ng Merton Academy ang first place.

"May nakuha ba kayong impormasyon sa Baguio?" Tanong ni Mild habang kumakain na noong uwi kong strawberry. Hindi man lang niya hinugasan.

Akmang ikukuwento ko sa kanya ang nangyari sa Baguio pero hindi ko alam kung sa akin ba dapat manggaling ang importanteng impormasyon na iyon. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Mild pero isa pa rin ang traydor sa grupo. I can't share that private information easily.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon