SA narinig kong balita mula kay sir Joseph kanina... Nawala na ang antok ko. Bago kami umalis ng Pampanga ay maayos pa kaming nagpaalam sa isa't isa ni Josephine sobrang okay niya pa nung mga oras na iyon pero makalipas lamang ang ilang oras ay malalaman ko na wala na siya.
nakahiga ako sa aking kama at hindi makatulog. Pakiramdam ko ay nabigo kami sa isinagawa naming misyon dahil hindi namin siya nagawang iligtas. Dapat pala ay pinilit ko na lamang si Josephine na sumama sa amin. Ano kayang nararamdaman ng mga mahal niya sa buhay? Paniguradong nasasaktan sila ngayon.
Ilang beses kong pinipikit ang aking mata para makakuha nang tulog ngunit para bang hindi ako tinatablan ng antok ngayon. Malapit ng sumikat ang araw, and yet, gising pa rin ako.
Instead na pilitin kong makatulog ang sarili ko, kinuha ko ang jacket ko at lumabas ng dorm, I need to divert this attention. Madilim pa sa paligid at tanging mga streetlights lang ang nagbibigay tanglaw sa paligid.
Mabuti na lang at hindi nag-iikot ang guard dito sa Merton Academy kung kaya't malaya akong nakakapag-ikot ngayon. Nakapasok ang kamay ko sa bulsa ng aking jacket, dinadama ko ang malamig na simoy ng hangin. Sinusubukan kong magpaantok pero hindi talaga nawawala sa isipan ko ang nangyari kay Josephine.
Kung nag-stay pala kami sa Pampanga ng kahit isang araw... Malamang ay hindi ito nangyari.
Binabagtas ko ang daan patungo sa school field, katahimikan ang nananaig sa paligid. Tanging tunog lang ng mga insekto ang maririnig at ang aking hakbang sa sementadong pathway. "Pati ba naman sa paglalakad, mukha kang tanga?" napahinto ako sa paglalakad at napaangat ng tingin.
Kaharap ko ngayon si Seven, suot niya ang itim niyang hoodie. Napakunot ako ng noo dahil wala akong ideya kung bakit gising pa siya. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.
"Walking." Tipid niyang sagot. "Can't sleep?" Tanong niya sa akin.
Mapait akong ngumiti at umiling.
***
NAKAUPO kaming dalawa ni Seven sa bench malapit sa field. Tinatanaw namin ang kalawakan nito na tanging nga ilaw lang ang nagbibigay liwanag. "Hindi ka makatulog dahil sa nabalitaan mo?" Tanong sa akin ni Seven.
Napakunot ang aking noo dahil nalaman niya na agad ang dahilan. "Sa ating dalawa, ikaw yata ang mind reader." Sabi ko sa kanya.
"Ang dali mong basahin, Jamie," sabi niya. He's not even looking at me, he's just looking at the field. Sinong mag-aakala na magiging ganito ka-relaxing ang paggala sa Merton Academy nang madaling araw?
"Hindi mo ba naisip kung paano ang mga magulang ni Josephine? Anong nangyari sa kanila matapos mawala ang kanilang anak," sabi ko at mapait na ngumiti. "Sa tuwing naiisip ko iyon, nakokonsensya ako dahil may kakayahan tayong mailigtas siya pero hindi natin nagawa. Pakiramdam ko tuloy ay nag-fail tayo sa misyon."
BINABASA MO ANG
Class Zero
FantasiIsa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademiko at mga laro. Ngunit may isang klase sa loob ng Merton Academy ang tinitingala ng lahat ng estudya...