NATAPOS man ang devil hour pero hindi natapos ang kalungkutan na nararamdaman ko. Kahit saglit lang kami na nagkasama ni Vincent ay itinuring ko siya na isang malapit na kaibigan... Isang kapatid. Natalo ko man si Evan, I can't be happy. Someone died again because of me."Jamie, eto ang lugaw. Kumain ka man lang." sabi sa akin ni Abby. Nandito ako sa iang kwarto rito sa ampunan.
"S-salamat." sagot ko sa kanya at pilit na ngumiti. I didn't expect na kahit pagngiti ng totoo ay mahihirapan ako. Dapat pala ay hindi ko na pinilit isama rito sa misyon si Vincent, sana pala ay hinayaan ko na lang siya maiwan sa zero base. E'di sana ay ligtas siya ngayon... Sana ay hindi siya naglaho.
"Umiiyak ka na naman, Jamie," yumakap sa akin si Abby at doon lang ako nabalik sa aking sarili. May luha ngang dumadaloy sa aking pisngi. "I am really sad with your situation, Jamie. Pasensya ka na at hindi rin ako gaanong nakatulong."
Hinarap ko siya sa akin. Umiling-iling ako kasabay nang pagpahid ko sa aking luha. "Hindi, sobrang laking tulong mo, Abby. Kung hindi mo ako tinulungan ay baka maging ako ay wala na rin."
May katok kaming narinig sa labas kung kaya't napalingon kaming dalawa-- si sister Anne, isa sa mga madreng nangangasiwa sa bahay-ampunan na ito. "Ayos lang ba kayong dalawa?"
"O-opo." nakangiti kong sabi. "May kinuwento lang po ako kay Abby na tungkol sa isang nakakaiyak na movie na napanuod ko." It's nonsense kung ipipilit ko lang na alalahanin nila si Vincent dahil hindi naman nila ito maalala.
We're all glitches of the society, kapag nawala kami ay tuloy lang ang takbo ng mundo.
"Ganoon ba? Pwede ko bang mahiram saglit si Abby?" tanong ni sister Anne at tumango-tango ako. "Abby, hinahanap ka na ng mga bata." tawag niya kay Abby.
"Puntahan mo na sila," sabi ko pa kay Abby.
She looked at me and I can see in her expression na nag-aalala siya sa kalagayan ko. Abby is so kind, I can feel the sincerity in her every action. "Sigurado ka? Kaya mo ba mag-isa?"
"Oo naman, ayos na rin 'yon. Baka kailangan ko rin ng oras para mapag-isa." nakangiti kong sabi.
"Don't smile to me like that, Jamie, mas lalo lang akong nalulungkot para sa'yo." she said to me at napayuko ako. Kahit anong pigil ko sa luha ko... Walang epekto, patuloy lanv itong lumalabas sa aking mata.
Bumaling ang tingin ni Abby kay sister Anne. "Susunod po ako, may sasabihin lang ako kay Jamie." ngumiti si sister Anne at naglakad na paalis. Naiwan muli kaming dalawa ni Abby sa silid.
She held my hand, naramdaman ko ang init ng kanyang kamay. "Jamie, makipag-compact ka na sa akin." sabi nuya na ikinabigla ko.
Mabilis akong umiling-iling. "Hindi pwede, Abby, kailangan ka ng mga tao rito. Kailangan ka ng mga bata rito sa ampunan. Ayokong masangkot ka pa sa gulo sa pagitan ng class zero at black organization." paliwanag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Class Zero
FantasyIsa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademiko at mga laro. Ngunit may isang klase sa loob ng Merton Academy ang tinitingala ng lahat ng estudya...