"SA wakas naging kayo na rin!" Malakas na sigaw ni Jessica sa room namin at nagtatalon silang dalawa ni Mild sa tuwa. "Ako ang napagod maghintay sa inyo sa totoo lang."Claire just clapped her hand and I smiled to her. "Congrats, Jamie." she said.
"S-Salamat, hindi ba ako nananaginip?" tanong ko sa kanila, matapos kasing mamatay ni Girly... ngayon lang ulit ako naging ganito kasaya. I mean, emotionally happy na parang nakalutang ako sa ere.
"Gaga, hindi," sabi ni Mild habang binibilang ang pera na nasa kanyang kamay. "Tsaka 'wag mong pangarapin na nanaginip ka lang. Ang laki kaya ng kinita namin!"
"Mild!" Hinampas ko siya sa kanyang braso. "Sineryoso ninyo pala nila Teddy 'yong live broadcast ninyo sa buong village! Nakakahiya!"
"Okay lang 'yan, atleast, alam nilang kayo na. Libre na lang kitang Samgyupsal kapag balik natin sa Merton para makabawi ako,"
"Promise 'yan?"
She raised her right hand. "Promise, mabalian man si Teddy." Yumakap sa akin si Mild. "Pero seryoso, masaya ako para sa 'yo. Thank you dahil parehas na kayong sumugal."
Yumakap din sa akin sina Claire at Jessica. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa buhay ko para magkaroon ng ganito ka-supportive na kaibigan. Madalas man kaming nagbibiruan at nagbabangayan sa Class Zero pero ramdam ko ang suporta ng bawat isa.
"Sayang nga lang at kailangan ko nang umalis bukas," malungkot na sabi ni Claire. Jessica pinched her cheeks. "Mashakit, Jesshica."
"Mauuna ka lang naman sa Merton, hindi ka naman kukuhanin ni Lord," Lokong sagot ni Mild sa kanya. "At isa pa, pupunta ka naman sa Fladus Academy para mas palakasin 'yong ability mo."
Tumango si Jessica. "Tsaka magagawa mo 'yong bagay na gusto mong gawin, makakapagturo ka ng mga bata."
"Claire umamin ka nga," she looked at my direction. "Saan mo tinatago 'yong pakpak at halo mo?"
She pouted. "Ayan na naman kayo sa pang-aasar ninyo."
Siya naman ang niyakap namin. "We love you St. Claire!" Sigaw ni Mild.
Saglit pa kaming nagkuwentuhan nila Mild bago namin mapagdesisyunan na matulog dahil nga maaga pa kami bukas. Sayang nga lang at ilang araw na lang kami rito. Naka-close ko na rin kasi ang ibang estudyante ng ibang school. They are also fun to be with.
Nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kisame, hindi talaga ako makatulog dahil iniisip ko na baka panaginip lang ang lahat ng ito. Hindi man sobrang organize noong date na pinag-effort-an ni Seven pero ramdam ko na sincere siya sa mga gusto niyang sabihin at iparamdam.
Masaya naman na ako sa kung ano ang mayroon kami ni Seven noon pero iba ngayon... parang mas malinaw na ang lahat. Parang nagkaroon ako ng assurance sa feelings ko na matagal ko nang pagdududa sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Class Zero
FantasyIsa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademiko at mga laro. Ngunit may isang klase sa loob ng Merton Academy ang tinitingala ng lahat ng estudya...