Chapter 95: His Escape

42.3K 2.7K 1.7K
                                    

JASON

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JASON

NASA makipot at masikip na ventilation ako habang wala pa si Ate Minute. Ang hirap gumalaw sa maliit na espasyong ito ngunit hindi puwedeng wala akong gawin. Isa pang kalaban sa ventilation ay ang init sa lugar na ito pero wala naman akong choice. May maliliit na butas naman kung saan puwedeng manggaling ang hangin kung kaya't doon na lang ako tatapat.

Maingat ang ginawa kong paggapang upang hindi ako makalikha ng kahit anong malakas na ingay. May dalawang bantay pa rin sa kulungang ito na dapat kong iwasan. Ang alam nila ay pinatay na ako ni Ate Minute.

Konektado ang ventilation na ito aa bawat kulungan sa lugar na ito. Konektado rin ito sa iilang kuwarto na nandito at ang kailangan ko lang gawin ay hanapin ang daan para makalabas sa lugar na ito. Kinakalawang na din ang karamihang gamit dito sa kulungang ito kung kaya't alam kong lumang lugar na ito.

Gumapang ako and pagsilip ko sa ibaba ay nakita kong umiiyak si Anne habang pinapatahan siya ni Joss. Na-guilty ako dahil ang alam ng mga kaibigan ko ay patay na ako sa mga oras na ito. Pero hindi pa nila puwedeng malaman na buhay pa ako. I need to find a place kung saan kami puwedeng dumaan para tumakas.

Dire-diretso akong gumapang at natatanaw dito mula sa itaas ang mga takot na takot na mukha ng mga batang glitches na nakakulong dito. Tunay ngang nakakatakot na tao ang Black Organization, gagawin nila ang lahat para sa kapangyarihan kahit pa gumamit sila ng mga batang glitch.

Isang kuwarto ang nakakuha ng atensyon ko mula rito. Konektado ang vent dito ngunit parang hindi konektado sa kulungan. Isa itong bukod na kuwarto, mas maayos ito kung kaya't nakuha nito ang atensyon ko na parang may kakaiba sa kuwartong iyon.

Akmang bubuksan ko ang lagusan sa vent ngunit nakaturnilyo ang daan patungo dito kung kaya't hindi ako makakalabas. Hindi rin ako puwedeng basta-bastang bumaba dahil mahihirapan ako sa pag-akyat.

"Alam mo na kung paano ka makakaalis dito kasama ang mga kaibigan mo?" Tanong sa akin ni Ate Minute habang kumakain kaming dalawa sa storage room. Hinarangan niya rin ang pinto ng storage room upang walang ibang tao na makapasok dito. "Jason, you can escape here alone. Kaya kitang ilabas dito nang mag-isa ka lang."

"Ililigtas ko sila Anne." Seryoso kong sabi. Inabutan pa ako ni Ate Minute ng tinapay. "Tumawag na ba si Ate Jamie sa 'yo?" Tanong ko.

"Mukhang hindi pa makakatawag si Jamie, she is still depressed because of you." Paliwanag ni Ate Minute.

"Kaya nga kakausapin ko siya para maging okay na ulit si Ate." Alam kong nag-aalala ng sobra sa akin si ate ngayon. Feeling kasi niya ay responsibilidad niya ako at ilang beses na rin niya akong sinabihan na huwag gumawa nang mga desisyon na ikapapahamak ko. Pero anong magagawa ko? Hindi ko puwedeng basta-basta iwanan ang mga kaibigan ko rito.

Pinahahalagahan ni ate ang mga kaibigan niya... ganoon lang din ako.

"Sa tingin mo ba ay ganoon lang kadali iyon?" Ate Minute asked. "Hindi siya makausap ni Claire ngayon dahil galit pa rin si Jamie. Sinasabi ko naman sa 'yo, umalis ka na dito hangga't wala pa sina Hugo at Tristan dito." Paliwanag niya sa akin. "I can save my own parents, hindi mo kailangan mag-alala sa akin."

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon