Chapter 74: Sudden Energy

40.5K 3K 1.3K
                                    

"SIR, mag-a-amok na talaga kami rito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"SIR, mag-a-amok na talaga kami rito. Hindi na kami susunod sa kahit anong iutos ninyo," proklama ni Teddy at umupo silang tatlo nina Ace at Kiryu sa may couch na parang bata na nagtatampo.

"Parang mga bata talaga," naiiling na sabi ni Kiran at kinuha ang basahan para punasan ang lamesa.

Naiwan kasi kaming mga boys dito sa bahay para maglinis which is okay lang naman sa akin as long as mapapahinga kami sa training ngayong araw. Sana nga lang ay nag-e-enjoy sina Jamie sa Tangadan Falls.

"Hindi ba't gusto mo rin mag-swimming sa falls?" Tanong ko kay Kiran.

"H-Ha?" Umiwas nang tingin sa akin si Kiran. "Bakit ba ang hilig ninyo akong igaya kay Kiryu? I am much more mature than him." he said at nagpasawalang-kibo na lang ako dahil alam kong gusto rin naman ni Kiran na mag-swimming. Noong nasa Bulacan kami ay nakita ko kung gaano siya nag-e-enjoy na magtimpasaw doon.

"Kiryu, magpunas ka na ng sahig." Utos ni sir Joseph.

"Kiryu huwag kang papayag. Simula na 'to ng rebolusyon." Pigil ni Teddy.

"I will give you a pack of gummy worms." Suhol ni Sir.

"Okay, Teddy tumabi ka diyan, nakaharang ka sa dadaanan ko." Sinipa ni Kiryu ang paa ni Teddy para makadaan siya.

"Taksil ka!" Sigaw ni Teddy.

Nagpatuloy kami sa paglilinis, maging si Ace ay nagsimula na ring maglinis dahil binantaan siya ni Sir Joseph na kukumpiskahin ulit 'yong camera niya kapag hindi siya sumunod kung kaya't kumilos na rin ang mokong.

Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanila. Para sa akin ay sulit itong training camp na ito dahil mas nakilala ko ang buong Class Zero at ang pinakaimportante ay nag-improve ang bawat isa sa paggamit ng kani-kanilang abilities.

"Sir bakit kasi sila pinayagan mo? May gender inequality talagang nagaganap dito." hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos si Teddy sa mga reklamo niya.

"Matagal na nilang ipinaalam 'yon. Si Claire ang nagpaalam." Paliwanag ni Sir sa kanya.

"Sir nagpaalam din naman kami sa iny--"

"Maayos silang nagpaalam. Teddy ang reklamador mo, maglinis ka na para pagkabalik nila ay maayos ang madadatnan nila sa bahay."

"Aba mga Donya pa ang mga hayop!" hindi pa rin tapos si Teddy sa pagmamaktol pero naglinis na rin naman siya dahil kahit papaano ay takot pa rin ito kay Sir Joseph.

Nagpatuloy kami sa paglilinis pero hindi pa rin talaga sumusuko ang tatlo dahil panay pa rin ang kanilang pagpaparinig. Hindi na ako sumasali sa pangungulit nila at ayoko rin naman na pagbawalan sila, they can be annoying all the time pero ibang klase din ang tatlong ito pagdating sa pakikipaglaban.

Hindi ko rin naman gusto na maging leader na sobrang higpit sa mga kasama ko pero kapag misyon ay misyon. At the same time, hinahayaan ko na lang din sila na mag-enjoy.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon