Chapter 38: Servant of Fire

71.2K 4K 595
                                    

THE next day, halos alas-onse na ako nang umaga nagising

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THE next day, halos alas-onse na ako nang umaga nagising. Masakit din ang ulo ko dahil sa pagiging tipsy ko kagabi. Napatingin ako sa girls bedroom at mukhang bagsak pa rin hanggang ngayon sina Claire. Hindi ko na sila ginising dahil baka mayamaya lang din ay bumangon na iyan dahil mainit na.

Pagkalabas ko ng kwarto ay agad kong naabutan si Ace na nagluluto. Gising na rin si Kiryu pero nakatulala lang siya at kumakain na naman ng pochi. Hindi ko nga alam kung saan kumukuha ng stock 'yang lalaki na 'yan.

"Yow, Jamie-girl!" Bati sa akin ni Ace, " Gumawa ako ng lugaw tsaka kape pampatanggal ng amats. Pwede rin namang mag-rice ka na agad since nagluluto na ako ng breakfast." He's the most hyper kagabi kaya kataka-takang ang aga niya pa ring nagising, tinapos niya yung buong event samantalang ako ay pagkatapos ng ilang banda ay bumalik na ako sa hotel.

"Lugaw na lang muna ako," he prepared our breakfast already. Mukhang responsable naman pala talaga itong si Ace. He has this caring side na ngayon ko lang nakikita kasi madalas naman ay kaharutan ko lang siya o kaya naman ay nakikita ko lang siyang nagba-vlog sa Merton.

Habang kumakain ako ay isa-isa na ring lumabas sa room ang mga girls. "Wala na akong maalala kagabi," sabi ni Girly habang hawak-hawak ang kanyang ulo. "Did I make a scene?" She asked.

"No. Tumakbo ka lang naman paakyat ng stage and you dance like you are mother Sitang. Hindi naman siya nakakahiya, hindi big deal." Paliwanag ni Kiryu at napakagat si Girly sa kanyang ibabang labi dahil sa hiya. Natatawa ako sa tuwing naaalala ko ang pinaggagawa ni Girly, iba rin talaga ang tama ng alcohol sa babaeng ito.

"Really!? Hindi totoo 'yan!" She defensed. "Pinagkakaisahan ninyo lang ako kasi wala akong maalala kagabi."

"I got a video, gusto mo bang mapanuod?" Nagpipigil nang tawa si Kiryu habang nag-i-scroll sa kanyang phone.

"No thanks, I don't want to see it. Dapat talaga tinigilan ko nang uminom nung tipsy na 'ko, eh." paliwanag ni Girly.

Kumakain lang kaming magkakasama pero ipinaliwanag na rin ni Ace ang mangyayari. "Since kilala na natin ang tatlong target natin, we will keep our eyes on them... pero huwag kayong magpahalata. Chill lang. If they do something wrong, doon tayo kikilos,"

"Pero kagabi, they don't make any scene naman," sabi ni Claire. "I mean, that's the perfect time para umatake since madaming tao ang nagtitipon sa iisang lugar."

"'Coz they knew that we are there. Alam nilang kumpleto tayong anim sa lugar na iyon," dugtong pa ni Ace. "I am observing them last night, kung tama ang hula ko... ang plano nila ay paghiwa-hiwalayin tayo this time bago sila gumawa ng pagkilos. In that way, we need to be extra careful." Bilin sa amin ni Ace.

Nagbihis na ako at pumunta sa seaside. As expected, ang busy nung mga tao dito dahil isa sa paboritong puntahan ang La Union pagdating sa beach. Ang daming nag-su-surfing sa malakas na alon, may mga nagbi-beach volleyball sa right side at marami rin namang nagsi-swimming.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon