NANGINGINIG ang kamay ko habang nakaupo ako sa harap ng desktop. Kinakabahan akong i-login 'yong account ko sa Portal ng Merton Academy dahil kinakabahan ako sa grades ko. Sa oras na magkabagsak ako ay nai-imagine ko na kung paano ako papatayin ng Class Zero.
"Ate, ano? Titingnan mo lang grades mo inabot ka na diyan ng isang oras," reklamo ni Jason sa akin at napatingin ako sa kanya.
"Jason, paano kung may bagsak ako?"
"E'di pinatunayan mo sa akin na bobo ka." Mabilis akong napasimalmal, wala talaga akong aasahan na kahit katiting na simpatya rito sa kapatid ko.
Siguro kapag nabugbog ako sa kanto ay imbes na tulungan ako ay makikibugbog din siya. Ganoon kahayop 'tong kapatid ko.
"Alam mo, wala ka talagang kasupo-suporta sa akin." Umirap ako sa ere at ni-login ang account ko. Sa homepage pa lang ng Merton Academy ay grabe na 'yong kaba na nararamdaman ko, paano pa kaya kapag pumunta ako sa grades?
"Kinakabahan ako, Jason, kailangan maipasa ko 'tong sem na 'to para ma-improve ko 'yong powers ko," since sinabi ko kay Jason ang tungkol sa glitches of society, mas naging open ako sa kanya at napag-uusapan namin ng natural ang mga ganitong bagay. Although, may iilan na bagay pa rin talaga siyang hindi maintindihan, ini-explain ko naman sa kanya kahit buwisit siya.
"Speaking of powers, ate kailan ako magkakaroon no'n? Makakalaban ko rin ba 'yong mga lawbreakers?" He excitedly asked. Para siyang Mild, excited na lumabas ang powers niya at gustong-gusto makakita ng aksyon.
Sumimalmal ako. "Wala, hindi ka magkaka-powers. Mag-aral ka mabuti at baka masipa kita." Hindi ko pa rin gusto ang idea na glitch siya ng society. As long as, tutulungan ako ni Sir Joseph sa kaligtasan ng kapatid ko... sa tingin ko naman ay wala akong dapat ipag-alala.
"Luh, ikaw nga 'di nag-aaral mabuti."
"Nag-aaral akong mabuti!" Depensa ko.
"Kung nag-aaral kang mabuti, ate, hindi ka kakabahan na tingnan ang grades mo. Huwag ako." Sagot niya sa akin at nagpatuloy pa rin sa pag-e-ML niya sa kanyang cellphone.
"M-Mahirap talaga calculus."
Pinindot ko 'yong grade button at talaga naman, pakaba din 'tong internet namin dahil biglang bumagal.
Tiningnan ko ang grades ko ng grabe ang kaba sa puso ko. Nakita ko lahat ng subject ko sa First semester, lahat naka-green. It means pasado ako!
"Jason pasado ako sa lahat ng subject!" Napatalon-talon ako sa tuwa at tiningnan ang grades ko. Ang nakakatuwa pa, wala akong tres... wala akong pasang-awa!
Yumakap ako kay Jason. "Pasado ako! Pasado ako!" I shouted happily. Yes! Makakasama ako sa training camp at hindi lang sa school gaganapin ang training namin.
"Congrats." Jason smiled at ginulo ko ang buhok niya. "Pero feeling ko, naawa lang sa 'yo 'yong mga professor mo, eh. Naalala mo noong grade 12 ka? Ipinasa ka lang kasi graduating ka."
BINABASA MO ANG
Class Zero
FantasyIsa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademiko at mga laro. Ngunit may isang klase sa loob ng Merton Academy ang tinitingala ng lahat ng estudya...