Few more chapters... honestly hindi ko alam kung ilang chapters pa ang aabutin ng Class Zero. But Epilogue will be posted in November 07 (saturday). 2PM.So let's have a twitter party that day by just including to your tweets: THANK YOU CLASS ZERO (Twitter Party will start at 1PM that day onwards)
JAMIE
"KIRYU, anong nakikita mo ngayon?" Itinaas ko ang kamay ko at hindi umaalis ang tingin ko sa mata ni Kiryu. Bumaling ang mata niya sa aking kamay.
"Mansanas?" Tanong ni Kiryu at napapalakpak ako sa tuwa dahil sa nangyari. He snapped back at napakurap ng ilang beses. "Alam mo, ginagawa mo kong guinea pig sa mga bagay na gusto mong gawin, Jamie." Kiryu pouted.
Kasama ko ngayon si Kiryu dito sa Zero Base at tinutulungan niya ako na makagawa ng illusion upang hasain ang ability ko. Katulad kanina, wala naman akong hawak na mansanas pero sa paningin ni Kiryu ay may hawak ako. I am glad that I am slowly having a progress pagdating sa ability ko.
Inabutan ko siya ng isang pack ng gummy worms at mabilis na umaliwalas ang mukha ni Kiryu. "Magrereklamo ka pa?" Tanong ko.
"Luh? Sino bang nagrereklamo?" Inagaw niya sa kamay ko ang pagkain. "Kahit pa araw-araw nating gawin 'to. I don't mind. Basta may kapalit hehe."
Dumating si Seven na may bitbit ng kape para sa akin at kay Kiryu. "How is it going?" He asked at umupo sa tabi ko.
"Maglalandian na naman kayo sa tapat ko?" Seryoso kong tiningnan si Kiryu. Bakit ba pasmado ang dila ng karamihan na nandito sa Class Zero. "Nakagagawa na si Jamie ng illusion ng mga maliliit na objects. Kainting practice na lang siguro ay magagawa niya ng makontrol ang bago niyang natutunan sa kanyang ability." Paliwanag ni Kiryu.
Bumaling ang tingin ni Seven sa akin. "Kumusta ang exam mo sa Set theory kahapon?"
Sabi ko na nga ba at magtatanong siya tungkol doon.
"Alam mo ang sarap nitong in-order mong kape—"
"'Wag mong ibahin ang usapan, Jamie, kumusta kako ang Set theory mo kahapon?" Tanong niya ulit.
"Ang hirap kaya ng set theory!" Dahilan ko. Ang hirap ng mga implies, negation chuchu na 'yan! Sobrang nakakalito.
"May madali bang subject para sa 'yo, Jamie?" Biglang epal ni Ace na gumagawa ng plates sa couch.
"May wall po, oh. Hindi ka kasali sa usapan." Umakto akong may harang. "Nakalahati ko naman 'yong exam. Bawi na lang ako next quiz." Ginulo ni Seven ang buhok ko at napangiti na lamang ako.
These past few days, simula noong nakausap ko si Jason ay naging okay na rin ako at muli kong nakokontrol ang kapangyarihan ko ng maayos. "Ano 'yong nabalitaan kong kagaguhan na ginawa ninyo ni Ace sa mall?" Tanong ni Seven at kulang na lang ay magkaroon ng apoy effects ang mata niya dahil sa inis.
BINABASA MO ANG
Class Zero
FantasyIsa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademiko at mga laro. Ngunit may isang klase sa loob ng Merton Academy ang tinitingala ng lahat ng estudya...