DALAWANG araw na ang nakakalipas simula nung sugurin kami ng mga lawbreakers dito sa school. So far wala na kaming pag-atake na nabalitaan... Sa ngayon. Ibinuhos lang namin ang mga oras namin sa pag-aaral at pagpa-practice ng aming skills.
Alas-nueve na nang gabi nung ipinatawag kami ni sir Joseph. "Class, alam kong ilang araw na rin kayong nagpa-practice to improve your abilities and skills. Gusto ko ngayong malaman kung may improvements nga ba sa inyo. You guys need to step up your game dahil hindi lang basta-basta lawbreakers ang makakalaban natin. They are the Black Organization who's the culprit sa mga nangyayaring kaguluhan sa ating lugar."
"We just need to impress you?" Sabi ni Kiryu at nag-clone siya ng kanyang sarili. "Kaya ko nang gumawa ng apat na clone ng aking sarili." He proudly said, dati kasi ay hanggang dalawang clone lang ang kaya niya.
Pansin ko sa Class Zero, once you learn your ability and lagi mo tong ginagamit... nag-i-improve ang kakayahan mo, Example nito si Kiryu who can now control four clones.
"No. We will have ability evaluation today," napakunot ako ng noo nung inilabas ni sir ang isang papel. "Ge-grade-an ko kayo."
"What kind of evaluation, sir? Paano naman kaming mga hindi pa nalalaman ang kanilang abilities?" Reklamo ni Mild. Sa ngayon ay sina Jessica, Mild, at Minute na lang ang hindi pa nakakaalam ng kanilang abilities.
"You will be exempted for this evaluation. But don't expect a high grade dahil as of now, nahuhuli kayo sa lahat ng aspeto. You should train your body more often dahil makakatulong iyon sa paggising nang natutulog ninyong mga abilities. Maliwanag ba?" Paliwanag ni sir Joseph sa kanila.
"Yes, sir." Lumong-lumo na sagot nung tatlo.
"Sir, ano bang gagawin namin for this evaluation?" Tanong ni Girly sa kanya. "Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang 'yan, gabi na, kapag ako nagka-pimples, sa'yo ko isisisi 'yon, sir." Hirit niya pa.
Sir Joseph snapped his finger and the time stopped. "A duel." Sabi ni sir Joseph at nabigla ako sa sinabi niya.
He want us to fight each other?! That's insane, pakiramdam ko kasi ay hindi naman ganoon kalakas ang abilities ko para makipagsabayan sa iba. Hindi pa nga nagsisimula ay anngangamoy talo na 'ko huhu.
"Sounds cool," Kiran said while smirking. "Magkakaalaman na rin kung sino ang pinakamalalakas na estudyante sa Class Zero." Dugtong pa niya.
"Mukhang masaya, sir." Hirit pa ni Ace. Seriously? Natutuwa yung mga lalaki sa ganitong klaseng training. Sa bagay, yung mga suntukan nga nung dalawang elementary nung nakaraan, tuwang-tuwa silang nanuod, eh.
"Simulan natin kay..." Tiningnan ni sir lahat at mabilis akong nag-iwas nang tingin, ayokong mauna dahil paniguradong mapapahiya lang ako. "Ace and Seven."
Napa-whoah kaming lahat dahil kino-consider namin na sina Ace at Seven ang dalawang pinakamalakas sa Class zero. Maloko si Ace pero hindi basta-bastaa ng kapangyarihan niya. Si Seven, hindi ko na kailangan ipaliwanag pa dahil maging ako ay saksi kung gaano siya kalakas.
BINABASA MO ANG
Class Zero
FantasyIsa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademiko at mga laro. Ngunit may isang klase sa loob ng Merton Academy ang tinitingala ng lahat ng estudya...