ANG init-init! Halos tumagaktak ang pawis ko dahil dito sa plani ni Mild, akala ko pa naman ay mayroon siyang iaang napakagandang ideya. But she is Mild, she have an idea... A weird idea.
"Sorry guys, late ako!" Malakas na sigaw ni Kiryu habang naglalakad siya papunta sa direksyon noong mini bus na gagamitin nila for the mission.
"Ang dami mo naman yatang dala, dalawang maleta pa. Magmi-mission ka ba o lalayas ka na sa Merton Academy?" Dinig kong sabi ni Teddy sa labas.
Kung tatanungin ninyo ako kung nasaan kami... Nasa loob ng dalawang malaking maleta, nasa kabila si Mild. Talaga namang isinali niya pa sa kalokohang ito si Kiryu na mabilis naman nauto ni Mild. Naalala ko tuloy ang pangyayari kanina...
"Mild seryoso ka ba? Papagalitan lang tayo ni sir Joseph. Huwag na lang tayo sumama," pagtanggi ko habang nakatingin sa dalawang maleta.
"Seryoso ka ba, Jamie? Papayag ka bang hindi tayo sumama sa mga aksyon? Mami-miss natin ang bawat detalye tungkol sa Black Organization kung hindi tayo sasama!" Ayan na, sinisimulan na akong demonyohin ng babae na 'to. "Or kung ayaw mong pumasok tayo sa loob ng maleta... Pwede naman na mag-drive ako papunta sa Bul--"
"Hindi! Hindi! Mas magandang ideya 'yang maleta mo." Mabilis kong tanggi, juskolord! Mahal ko ang buhay ko, noong huling beses na sumakay ako na si Mild ang nagda-drive ay nagdelikado ang buhay ko.
"Pero sino naman ang magdadala nung dalawang maleta na 'yan?" Tanong ko.
Mayamaya ay lumabas si Mild at hatak-hatak niya na si Kiryu pabalik. "Whoah! Bakit ba madaling-madali ka? Nag-aayos na ako ng gamit ko para sa misyon." Paliwanag ni Kiryu.
"Kiryu, we have plan," sabi ni Mild at nagsimula na siyang ipaliwanag kay Kiryu na gusto nga namin sumama sa misyon na ito at siya ang tutulong sa amin upang masakatuparan ang aming binabalak.
"Hala kayooo," parang bata na sabi ni Kiryu. "Hindi ako payag! Paniguradong magagalit si sir Joseph kapag nalaman niya ang plano ninyo,"
"Kaya nga isisikreto lang natin, eh!" Napairap si Mild. Pinapanuod ko na lang silang dalawa na mag-discuss. "Ganito, bibigyan kita ng pera pasamahin mo lang kami."
"Okay, magkano ba ibibigay ninyo?" Lumaki ang ngisi sa mukha ni Kiryu.
"1,000."
"Higher,"
"2,500." Sabi ulit ni Mild.
"Kulang pa." Tila natutuwang sabi ni Kiryu dahil nakikita niya rin na naiinis niya si Mild.
"Hoy ang kapal mo naman! Tutulungan mo lang naman kaming makasama sa misyon na 'to, ang laki naman ng talent fee mo!" Naiinis nang sabi ni Mild at umupo sa kanyang kama.
BINABASA MO ANG
Class Zero
FantasiIsa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademiko at mga laro. Ngunit may isang klase sa loob ng Merton Academy ang tinitingala ng lahat ng estudya...