Twitter hashtag: #ClassZero86 (let's trend this guys, ang haba nitong chapter nito haha!)
JAMIE
IT'S the second day of the competition pero grabe 'yong puyat ko kagabi. Anong oras kaming natulog nila Mild sa kaka-party kasama ang ibang school. We are not allowed to drink alcoholic beverages kahit nasa tamang edad na kami pero na-enjoy namin ang party kahit wala iyon.
"Malaki ba 'yong eyebags ko?" Tanong ko kay Kiran. Siya pala ang nakatabi ko dahil basta-basta na lang akong umupo kanina sa bus.
"Hindi ko alam," ibinaling niya sa iba ang atensyon niya. "Bakit ka ba sa akin nagtatanong ng mga ganyang bagay."
"Kasi ikaw ang katabi ko." Ibinalik ko ang eye cover sa mata ko para makatulog kahit papaano.
"S-Sakto lang," tinaas ko ulit ito noong sumagot si Kiran. "Hindi masyadong halata ang eyebags mo." Ang baby din talaga ni Kiran in different ways, eh.
"Luh, pinapalubag mo pa loob niyang si Jamie," sumabat si Teddy at masama ko siyang tiningnan. "Pangit ka talaga Jamie, tanggapin mo na."
"Sir! Si Teddy, nagsisimula na naman!" Reklamo ko kay Sir Joseph.
"Class please lang, umayos na kayo this time. Huwag ko lang talaga kayong mahuhuli na gumagawa ng kalokohan. Lalo na kayo Teddy, Kiryu, Mild, at Ace." Special mention talaga lagi ang top 4 pagdating sa kalokohan.
Dati top 5 'yan kasi kasali ako, pero nagbabagong buhay na ako. Nasa tuwid na landas na ako.
"Sir promise, magpapakabait kami." Kiryu said while eating his gummy worms.
"Hindi kayo gagawa nang kalokohan?" Paninigurado ni Sir at tiningnan sila sa rear mirror.
"Hindi kami magpapahuli." Sagot ni Mild at nag-apir ang apat.
"Hoy, umayos nga kayo. Ang laki na nung gulo na nangyari kahapon," suway ko sa kanila.
"Wow, Jamie, bait-baitan." Natatawang sabi ni Ace.
Nakarating kami sa arena and unlike yesterday, feeling ko nawala na 'yong tension sa pagitan ng walong school. Mas nagkakila-kilala kasi kami kagabi at kumbaga, parang friendly competition na lang ang nangyayari ngayon (which is dapat naman).
Mabusising nag-uusap sina Teddy at Seven na nakapukaw ng atensyon ko. "Kahapon lang ay pikon na pikon sila sa isa't isa, anong nangyayari sa dalawang 'yon ngayon?" Tanong ko kay Claire na nakasabay ko sa paglalakad.
"Hindi ko rin alam, eh," Claire smiled. "Pero mas okay na rin 'yon, magkakasundo tayong lahat."
Feeling ko lalabas ang halo at pakpak nitong si Claire anumang oras.
"Sa bagay, ay babalik na pala kayo bukas?" Tanong ko sa kanya. "Nakakalungkot naman, pero goodluck sa pakikipag-compact mo, ha!"
"Salamat, kayo man. Galingan ninyo sa competition, ichi-cheer ko kayo kahit malayo ako."
BINABASA MO ANG
Class Zero
FantasyIsa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademiko at mga laro. Ngunit may isang klase sa loob ng Merton Academy ang tinitingala ng lahat ng estudya...