NATAPOS ang tatlong araw na bakasyon namin at ngayong araw ay kinakailangan ko nang bumalik sa Maynila para mag-enroll for another semester sa Merton Academy. Isang semester na ang nakalilipas simula noong nabago ang takbo ng aking buhay. Sa loob ng halos anim na buwan ay napakaraming nangyari.
This will be a new beginning for us. Nakatingin ako sa mga Fantasy posters sa kuwarto, hindi ko lubos akalain na mangyayari sa akin ang bagay na pinapangarap ko simula noong bata ako. Akala ko ay kapag nagkaroon ka ng magic ay puro saya lang... kaakibat pala ng salitang kapangyarihan ang salitang panganib.
"Ate ang bagal mo! Excited na akong pumasok sa Fladus Academy, nakita ko sa google na ang laki ng campus nila." Excited na sabi ni Jason, kagabi pa naka-ready ang gamit niya dahil nga magdo-dorm siya sa Fladus Academy.
Nangangamba pa rin ako sa pagkakaroon ng kapangyarihan ni Jason pero wala naman akong magagawa dahil siya na rin itong nagdesisyon. At isa pa, tiwala naman ako sa Fladus Academy na hindi nila pababayaan ang kapatid ko.
"H-Heto na! Madaling-madali ka naman." Reklamo ko sa kanya
"Bobo mo kasi," sabi niya.
"Ha? Anong connect no'n sa sinabi ko?"
"Wala lang, gusto ko lang sabihin," hinampas ko sa braso ang kapatid ko at malakas siyang tumawa. "Aray ko! Mama, si ate oh! Nananakit."
Pagkababa naming dalawa sa sala ay nandoon sina Mama at Papa. Nalulungkot ako dahil simula sa araw na ito ay kaming dalawa na ni Jason ang aalis sa bahay. Alam kong malulungkot sina mama sa pag-alis namin pero hindi lang nito pinapakita dahil para sa aming dalawa rin naman ito ni Jason.
Hangga't hindi tapos ang giyera sa mga glitches ng society ay mas mabuti na rin na malayo kaming dalawa ni Jason sa kanila... para hindi sila madamay sa nangyayaring gulo. Sana nga lang ay matapos na ang gulong ito para makabalik na ulit ako dito sa amin ng walang pangamba.
"Mag-iingat kayong dalawa doon, mga anak," sabi ni Papa sa amin at ginulo niya parehas ang buhok namin ni Jason. "Jamie, malapit lang ang Fladus Academy sa Merton, dalawin mo ang kapatid mo palagi. Bantayan mo maigi 'yan."
"Si Papa naman, ginagawa pa rin akong bata." Reklamo ni Jason.
"Kasi nga bata ka pa rin!" Sabat ko.
"Sige na, umalis na kayo. Mamaya ay rush hour na, mahihirapan pa kayo makasakay sa bus niyan." sabi ni Mama sa amin at mahigpit naman kaming yumakap ni Jason sa kanilang dalawa.
Naglalakad na kami ni Jason papaalis. "Ate, sa tingin mo... magiging okay lang sina mama?"
"Siguro ay lagi mo na lang silang tawagan kapag nasa Fladus Academy ka na. Paniguradong mapapanatag ang loob nila kapag araw-araw kang tumawag."
"Kapag nalaman ko na kaya ang ability ko, ate... puwede na rin akong lumaban sa mga halimaw na kinakalab--"
"Jason!" Pagpipigil ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niyang matutunan na malabanan ang lawbreakers.
BINABASA MO ANG
Class Zero
FantasyIsa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademiko at mga laro. Ngunit may isang klase sa loob ng Merton Academy ang tinitingala ng lahat ng estudya...