Chapter 17: Lockup

79.9K 4.8K 813
                                    

Hi people, Yup the beginning of the story is inspired by The Gifted but I will not confidently post the story if I just copy it. Magtiwala po tayo, may sariling flow ang Class Zero. Stop bashing and embrace the story. ☺️

DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mata. Ilang segundo rin ang lumipas bago tuluyang nakapag-adjust ang aking mata sa dilim. "Gising na siya," isang tinig ng isang babae ang aking narinig at may humawak sa aking kamay.

Anong nangyayari? Bakit ako nandito? The last thing that I remembered ay may isang lalaki na nagtapat ng panyo sa aking ilong at unti-unti akong nawalan ng malay. Am I kidnapped?!

"S-Sino kayo?" Tanong ko habang tinitingnan sila isa-isa. There are total of 14 girls here kasama ako.

"A-Ako si Josephine," pakilala sa akin ng isang babae, inalakayan niya ako makatayo at doon ko napansin na nakakulong kami sa isang lugar na parang warehouse. I tried to open the door pero hindi ito  bumukas. "Ilang beses na naming ginawa iyan ngunit mahigpit na nakakandado ang pinto mula sa labas"

I can't believe na totoo ang sinasabi nilang nangunguha ng mga dalagang babae sa lugar na ito. At hindi ko rin inaasahan na maging ako ay magiging biktima nito. Tumingin ako kay Josephine... Siya yung anak nung babae kanina, naalala ko ang facial features niya base na rin sa missing poster.

I looked at them, karamihan sa kanila ay nakaupo at nakayakap sa kanilang mga tuhod na para bang nawalan na ng pag-asa. "Hinahanap ka ng nanay mo," sabi ko kay Josephine at umupo sa kanyang tabi.

"I bet nag-aalala nang sobra-sobra ang magulang ko." Sabi niya sa akin at napatango-tango ako. "We can't do anything at our situation. We will become a sex slave sa mga parokyano. They will use us." kuwento niya sa akin.

Sex slave?! Hindi ko inaakala na sa ganitong paraan gagamitin ang mga babaeng nakakulong na ito. They don't deserved this kind of treatment.

"Hindi tayo magiging ganoon," sabi ko sa kanila at napalingon sila sa akin. I am trying to give them hope. "My friends will come, hindi nila hahayaan na may mangyaring masama sa atin."

"Talaga? Ano yung mga kaibigan mo, pulis? Detective?" Tanong nung isa sa mga babae.

"Estudyante," the wide smile on their lips fade away. "P-pero hindi sila normal na estudyante, I am pretty sure gagawa sila ng paraan para matulungan tayong lahat. Don't lose hope."

"Ano nga ba ang magagawa ng mga estudyante? Even the police around our area ay hindi kami matulungan." Sabi nung isa. Mukhang nawalan na sila ng pag-asa dahil sa matagal nilang oagkakakulong dito. Ayokong maging pabigat sa class zero pero alam kong dadating sila.

Kung katulad lang ako nila Seven na nakakakontrol ng bagay o kaya naman ni Ace na nakokontrol ang kuryente ay paniguradong natulungan ko na ang mga babaeng nandito. Wala, makabasa lang nang iniisip ng ibang tao ang kakayahan ko, I am not a front line member na nakakatulong talaga.

"Ako, naniniwala ako sa'yo," nakangiting sabi sa akin ni Josephine kung kaya't napangiti ako pabalik. "Ayokong mawalan ng pag-asa katulad nila."

Naputol ang aming pag-uusap ni Josephine  nung biglang bumukas ang pinto, isang lalaki ang may nakatutok na baril sa amin. "Subukan ninyong magsitakas at babarilin ko kayo!" He warned us at napaatras ang karamihan.

May kasunod ang lalaking ito na isa pang lalaki na may hawak na babae, "Stop holding me so tightly! Eto na nga 'diba! Sumama na nga!" Narinig kong boses at nakita ko ang kanyang mukha-- si Mild. Paano?! Paanong nahuli rin si Mild kung kasama siya nila Seven?

Inihagis nito si Mild papasok sa loob at lumapit ako sa aking kaibigan. "Mild!" Tawag ko sa kanya.

"Humanda na kayo dahil mamayang gabi ay darating na ang parokyanong magbu-book sa inyo," sabi nung lalaki bago siya lumabas. Narinig ko pa ang oag-lock muli nila ng pinto sa labas.

"Mild," tawag ko ulit kay Mild at tinulungan diyang makatayo. "Ayos ka lang ba?"

"Wooo!" Malakas na sigaw ni Mild na nakapukaw ng atensyon naming lahat. Siya lang yata ang nakulong na rito na masaya pa rin. "Hindi ba't isang cool na adventure 'to Jamie, it's like we're solving a mystery katulad sa mga movies!"

"Mild, ang inappropriate nang mga sinasabi mo sa ganitong sitwasyon," sabi ko sa kanya at napalingon-lingon siya sa paligid.

"Uhm... Sorry, ang thrilling kasi, eh." Sabi niya sa akin.

Hindi ko alam kung ma-a-amaze ako sa trait ni Mild na parang YOLO lang. Hindi man lang siya kinakabahan sa mga bagay na maaari naming sapitin sa lugar na ito. I mean, hello! Balak nila kaming gawing sex slave just to earn money.

"Anong nangyayari? Nahuli ka rin nila? Paano na sila Seven, hindi ba nag-aalala sa ating dalawa?" Tanong ko sa kanya. Dapat ay i-report na 'to nila Seven sa Merton Academy, baka nga tama ang ibang babae na nandito... Walang magagawa ang mga estudyanteng gaya namin sa ganitong sitwasyon.

"Actually, sila nga ang nagpapunta sa akin dito. Hindi tayo napunta sa Class zero, Jamie, para maging tanga. All of these things are planned." Paliwanag sa akin ni Mild habang nakangisi. May kinuha si Jamie sa loob ng kanyang sapatos. "Mabuti na lang talaga at malaki-laki ang size ng sapatos na ito kung kaya't nagkasya ang cellphone na ito."

"Call the police! Tumawag ka na!" Sigaw nung ilang babae habang nakatingin sa cellphone na para bang iyon ang bagay na magliligtas sa kanilang mga buhay.

"Lower down your voice, girls!" Suway ni Josephine sa kanila. "Baka marinig kayo sa labas, this is our last resort kaya kung sana ay maki-cooperate ang lahat."

"We will not call a police," bulong sa akin ni Mild. "Seven and Ace believed that a lawbreaker in this situation kung kaya't kailangan natin itong i-solve." Paliwanag niya sa akin at napatango ako. Iyon ang rason kung bakit nandito kami nila Ace, ipinadala kami ni sir Joseph upang mapuksa ang gumagala na lawbreaker sa lugar na ito.

"Once na i-open ko ang GPS ng cellphone na ito ay malalaman nila Kiran ang location natin," Mild explained to me at pinindot niya ang GPS ng phone. "The devil hour will start in three... Two... One..."

After niyang magbilang ay tumigil muli ang oras, huminto sa paggalaw ang mga babaeng nandito at nakakulong kasama namin. "A-anong nangyayari?" Josephine asked at tumingin siya sa paligid.

How can she moved during devil hour? Ang mga simpleng tao ay hindi nakakagalaw kapag ganitong oras unless... "You have a special ability," si Mild na ang nagtuloy ng aking iniisip. "Hindi na ako magpapaliwanag dahil wala tayo masyadong time, we need to get out of this place."

"Bakit sila nakahinto--" naputol ang pagtatanong ni Josephine nung biglang nasunog ang pinto.

Sumilay sa amin ang mukha ni Kiran habang nag-aapoy ang kanyang kamay. Ngayon ko lang nakita ang ability ni Kiran since bihira niya lang ito gamitin, but he has an awesome power. "You better run outside," utos niya sa amin.

"Ano ba kayo? Bakit ninyo nagagawa ang bagay na ito?" Josephine asked on me pero hinawakan ko siya sa kamay at kasama siyang tumakbo palabas.

"Wala tayong sapat na oras para magtanungan ng ganyan. May mga lawbreakers sa paligid and we need you na dalhin sa mas safe na lugar." Sabi ko sa kanya. Hindi lahat ng mga mandudukot ay lawbreakers dahil may mga taong nakahinto sa labas.

"If you're asking who we are..." Nagkatinginan kaming dalawa ni Mild at ngumiti.

"We're class zero."

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon