🤫 Last two weeks for Class Zero. 🤫
NAKABALIK na kami sa Merton Academy at naging tahimik pang ako sa buong biyahe. Maging si Seven ay tahimik lang sa tabi ko pero hindi niya binitawan ang kamay ko. He is showing that he is there for me, alam kong nag-aalala siya sa kundisyon ko pero hindi niya rin naman ako masisisi. I am really worried about Jason's safety.
Si Ace naman ay dinala sa isang pasilidad kung saan siya magagamot ng mga nakatayandang glitches. Sabi sa amin ni Sir Joseph ay matatagalan pa bago magising si Ace lalo na't marami itong internal damages.
"Jamie, sasama ka raw ba?" Tanong sa akin ni Teddy ngunit isinukbit ko ang duffle bag ko sa aking balikat.
"Saan pupunta?"
"Kakain, We will celebrate dahil nagawa nating matalo si Edel—"
"Hindi." Dire-diretso akong naglakad pabalik sa dorm. Para sa akin ay walang dahilan para magsaya.
I know they are all concerned to me, but this is a really bad day for me. Kung pipilitin kong sumama sa kanila, I might just kill the mood. Baka may masabi lang din akong masasakit na salita since hindi nawawala sa isip ko na hawak ng Black Organization si Jason.
I managed to kill Edel but they got Jason... at the end of the day, natalo pa rin nila ako.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumabay sa akin si Seven. "Jamie, sasamahan kita." Sabi niya.
"Seven, na-a-appreciate ko na sinasamahan mo ako," humarap ako sa kanya. "Pero gusto ko munang mapag-isa. Please."
Pumasok ako sa dorm ko at nagtalukbong ng kumot. Ang una kong ginawa ay tinawagan sina mama. Pero... hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila, bilang ate ay pakiramdam ko ay bigo akong maprotektahan ang kapatid ko.
"Hello," As soon as I heard my Mom's voice ay muli akonga naiyak.
"H-Hello po 'ma,"
"Teka nga... umiiyak ka ba, 'nak?" She immediately noticed that I am not okay. "Hala, ba't umiiyak ang anak ko? Nagkaproblema ka ba diyan?"
Parang naiiyak na si Mama sa boses niya sa kabilang linya, pinahid ko ang luha ko at napakagat sa ibabang labi ko. I heavily breathed in and breathed out. Hindi man nila ako nakikita pero pilit pa rin akong ngumiti (to sound that I am okay). "Okay lang po ako 'ma, kakapanood ko lang kasi ng nakakaiyak na movie."
"Akala ko ba naman kung napaano ka na diyan. Mag-iingat kayong dalawa ni Jason diyan. Lagi mong i-check ang kapatid mo." Inilayo ko ang phone ko sa akin saglit at napahikbi ako.
I failed as his big sister.
But the fact na naaalala pa ni Mama si Jason ay nakahinga pa rin ako ng maluwag. Jason is still alive kahit hawak siya ng Black Organization.
BINABASA MO ANG
Class Zero
FantasyIsa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademiko at mga laro. Ngunit may isang klase sa loob ng Merton Academy ang tinitingala ng lahat ng estudya...