Chapter 70: Decision He Made

44.1K 3.1K 1.4K
                                    

BANDANG alas-cuatro noong tinipon kami ni Sir Joseph para ipaliwanag ang mangyayari sa training camp (matapos kasing kumain kanina ay pinayagan niya kaming magpahinga saglit)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BANDANG alas-cuatro noong tinipon kami ni Sir Joseph para ipaliwanag ang mangyayari sa training camp (matapos kasing kumain kanina ay pinayagan niya kaming magpahinga saglit). Umupo kami sa long table at ilalabas pa pang ni Ace ang vlogging camera nito ay mabilis na itong nakumpiska ni Sir Joseph.

"The purpose of this training ay para madagdagan ang knowledge ninyo patungkol sa kanya-kanya ninyong abilities. We also want to develop new things in your powers dahil possible na magawa ninyo ito," Sir Joseph explained habang isinusulat niya iyon sa whiteboard. "Natatandaan ninyo ba kung ilang clones ang kayang gawin ni Kiryu noong na-discover niya ang power niya?"

"Tatlo po sir." Sagot ni Teddy.

"Bobo, dalawa lang." Sabi ni Kiryu sa kanya habang kumakain ng gummy worms.

Kinatok ni sir ang lamesa para makuha ang atensyon naming muli. "Ngayon, Kiryu, ilang clones na ang kaya mong gawin?" Tanong ni sir.

"Mga walo, sir. Minsan nagagawa ko din paabutin ng siyam pero sobrang nakakapagod po." Kiryu explained.

"Lumipat tayo kay Jamie... dati, ano lang ang kayang gawin ni Jamie?" Hala bakit naging example ako bigla? Maganda ba ang sasabihin ni sir Joseph patungkol dito?

"Kaya niya lang magbasa ng iniisip ng ibang tao, sir," aagot ni Mild at napatango si sir bilang pagsang-ayon.

"Correct. But as the time goes by ay natutunan na rin ni Jamie na mag-utos sa ibang tao kapag nagtatagpo ang mata nila," paliwanag ni sir at may dino-drawing pa si Sir sa whiteboard na hindi ko naman din naiintindihan. "So the point is... your ability can evolve kung madalas ninyo itong gagamitin, kung pag-e-eksperimentuhan ninyo ito, at kung pag-aaralan ninyo ito..."

"Sir," I raised my hand. "Feeling ko pati ang willingness na matutunan ang isang bagay, sir, factor din 'yon." I mean, noong una akong nag-utos sa lawbreaker ay inisip ko pang na magagawa ko siyang mautusan to save my life that time at nagawa ko naman.

"It also help." Sir Joseph agreed. "Malaki na ang pinagbago ng bawat isa simula noong una ninyong nalaman ang kanya-kanya ninyong abilities. You guys trained hard and saksi ako sa bagay na iyon. Kaya na ninyong malabanan ang Blaco Organization but that is still not enough para matalo sila. Nandito tayo ngayon para sanayin kayo, hindi natin hahayaan na mabuhay ng Black Organization si Deathevn. At ayaw natin na mawala ang balanse ng mundo sa oras na mangyari iyon."

Madami pang ipinaliwanag si Sir Joseph at umabot na nga sa point na napipikit-pikit ako dahil sa sobrang antok.

"Sir, si Jamie, natutulog!" Sumbong ni Kiran at dumiretso ako ng upo. Kiran smirked.

"H-Hindi po, sir, napuwing lang kaya ako napikit. Pauso ka, Kiran!" Reklamo ko. Buwisit, ipapahamak pa ako nitong kambal na 'to.

Nagbuntong hininga sinSir Joseph at nagpatuloy sa pagsasalita. "Natatandaan ninyo pa ba ang mga inabot kong papel sa inyo?" Sir asked at napatango kaming lahat.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon