Feeling ko hindi dapat isikreto ang part na 'to. So here's the special chapter!SEVEN
PAGKABABANG-PAGKABABA namin sa bus ay nagkaroon kami agad na emergency meeting para sa binabalak kong date kay Jamie. Napagdesisyunan ko na ngayong araw ay tatanungin ko na siyang maging girlfriend ko.
I am scared of taking risk but I feel like this is worth the shot. She's worth the shot.
"Nasaan daw si Jamie?" Tanong ko kanila Teddy.
"Wait lang ang bagal mag-reply ni Mild," sagot ni Teddy sa akin. "Ay eto na! Kasama daw nila sa room."
"Sabihin mo huwag munang palabasin ng room. Utos ko kamo as the Class Zero leaders." I said with authority.
"Power abuse pa nga." Sabat ni Ace. "Kapag ikaw hindi ka nag-appear sa vlog ko, hindi talaga ako makiki-cooperate dito."
"Oo nga!" I answered. "Kiran, you find a perfect place for this?" Tanong ko.
I want this to be perfect. Gusto kong mapasaya si Jamie ngayong araw.
"Yes sir," Kiran said at may kinatikot sa phone niya. "May pavilion sa hindi kalayuan. Manghihingi lang ako ng permiso sa guard kung puwede nating gamitin."
"Ang trabaho naman nito!" Kumakamot sa ulo na sabi ni Teddy. "Aamin ka lang naman—"
"This is a special day." I said. I checked the time at may ilang oras lang kami para maayos ito.
"Okay, agit ka agad, eh."
"I'll explain to you guys kung anong gagawin ninyo..." Seryoso kong sabi sa kanila. "Ace, bumili ka ng wine... itago mo na lang sa aparador para hindi makita nila Sir." Ace is so busy with his phone kaya hindi ko alam kung narinig niya ba nang maayos ang sinabi ko pero mukhang nasa meeting naman ang atensyon niya.
Wine makes the atmosphere more romantic so I guess it's important.
"Kiryu and Kiran, bumili kayo ng steak sa malapit na supermarket." Bilin ko at sumagot naman ang kambal.
"Teddy tulungan mo akong mag-decorate sa Pavilion." Sabi ko.
Teddy smirked. "Hoy mga hangal, sabi ko sa inyo ako ang kanang kamay. Do the bullshit tasks at kami ang bahala sa decoration." Hinila ko paangat ang patilya ni Teddy. "Aray ko putangina, para saan 'yon?"
"Manghiram ka rin ng gamit sa ibang school." Utos ko pa. "Okay let's do this. We can pull this off."
Tiwala naman ako sa mga kasama ko rito sa Class Zero. At maging sina Mild naman ay willing makipag-cooperate. Feeling ko naman ay masusurpresa si Jamie sa plano ko since wala siyang idea rito.
***
TEDDY and I decorated the Pavilion, nasa gitna ito ng lake at maganda ang ambiance sa lugar. Maliit lang ang pavilion ngunit kasya naman ang isang foldable na lamesa at dalawang upuan. Nilagyan na lamang namin ito ni Teddy mg pulang tela.
BINABASA MO ANG
Class Zero
FantasyIsa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademiko at mga laro. Ngunit may isang klase sa loob ng Merton Academy ang tinitingala ng lahat ng estudya...