MAAGA akong nagising ngayon dahil na rin sa ingay ng alarm ko, 8:00 AM ang klase ko ngayon at hindi ako pwedeng ma-late. Ang pangit naman ng magiging impression sa akin ng ibang tao kung parati akong late sa klase, baka sabihin ng mga kaklase ko na porke't kabilang ako sa Class Zero ay sinasamantala ko na.
Mabigat ang mata ko ngayon dahil na rin halos tatlong oras lang ang tulog ko. Nahirapan akong makatulog, sa tuwing naiisip ko ang weird na encounter ko kagabi ay parang bumibilis muli ang takbo ng puso ko.
Mabilis lang akong naligo at hindi na rin ako dito nag-breakfast, dadaan na lang ako sa cafeteria after class.
Pagkalabas ko ng aking kwarto ay saktong naglalakad din si Mild pababa ng dorm. "G-Good morning," bati ko sa kanya.
"Did you have a hard time in sleeping?" Tanong niya sa akin. "Baka naman naguguluhan pa tayo sa ngayon, but I am pretty sure, kapag nalaman natin kung ano nga ba ang ginagawa ng class Zero ay maliliwanagan din tayong dalawa." Tuloy niya pa.
"Baka nga. May klase ka?" tanong ko sa kanya.
"Nope, alas-dies pa ang klase ko. Dadaan ako sa library ng college namin para magbasa-basa." Sabi niya sa akin. Magbasa!? Kung wattpad books ang babasahin ay kaya kong magpuyat, pero kung mga textbooks naman ay baka wala pang 10 minutes ay tulog na ako.
"Pakiramdam ko talaga ako lang ang hindi pala-aral sa class zero, lahat kayo ay matatalino." Sabi ko, lumiko kami sa pasilyo at bumaba sa hagdan.
"Narinig mo naman ang sinabi ni sir Joseph sa atin, nasa class zero tayo dahil special DAW tayo. Hindi niya sinabing matalino tayo." Sabi niya sa akin and somehow ay napangiti ako dahil kahit papaano ay maintindihin din pala itong si Mild. "Any have plans for tonight?" Tanong niya sa akin.
"Wala naman, bakit?"
"Let's eat together, nakakalungkot kumain mag-isa sa dorm. Magkita na lang tayo sa convenience store mamaya." Sabi niya sa akin at nauna na siyang maglakad palabas ng dorm house. Hindi man lang niya hinintay ang sagot ko.
Pagkalabas ko ng dorm ay naglakad na ako patungo sa college of science. Sa ground floor pa lang ng college namin ay sumalubong na agad sa akin si Diana. "Jamieee!" Malakas niyang sigaw kaya naman napatingin sa amin ang ibang estudyanteng dumadaan.
Mas nakadagdag pa ng atensyon ang suot kong badge, sabi na nga ba, dapat ay hindi ko na lang sinusuot 'tong badge na 'to para naman kahit papaano ay makaiwas ako sa atensyon na ibinibigay ng mga kaklase ko.
"Ang lakas ng boses mo," sabi ko sa kanya. Maaga-aga pa naman kung kaya't may time pa kami para magkwentuhan na dalawa.
"Sorry naman. Ikaw naman kasi, nag-send ako sa'yo ng friend request kahapon ay hindi mo naman ako in-accept. Akala ko pa naman makakapag-chika-chika tayo thru chat." Sabi niya sa akin na may halong pagtatampo.
Nakalimutan ko na ang tungkol doon, marami ng bagay ang nangyari kagabi kung kaya naman hindi ako nakapag-open ng facebook kagabi. "Sorry naman, mabagal internet kagabi."
BINABASA MO ANG
Class Zero
FantasyIsa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademiko at mga laro. Ngunit may isang klase sa loob ng Merton Academy ang tinitingala ng lahat ng estudya...