Chapter 36: The twelve members

77.7K 4.4K 1.7K
                                    

FOR the first time, gagawa ng misyon ang class zero ng magkakasama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FOR the first time, gagawa ng misyon ang class zero ng magkakasama. Hindi naman siya totally magkakasama talaga ngunit pare-parehas na Norte ang direksyon namin kung kaya't magkakasama kaming aalis ngayon sa Merton Academy.

Nakatayo kaming labing dalawa sa harap ni sir Joseph at isa-isa niya kaming tiningnan. "Inuulit ko sa inyo..."

"Aalis kami para sa isang misyon at hindi para magbakasyon." Sabay-sabay naming sabi na magkakaklase kung kaya't nagtawanan kami. Kahapon pa lang ay iyon na paulit-ulit na bilin sa amin ni sir Joseph. Kinakabahan daw siya dahil baka hindi namin seryosohin ang misyong ito.

"'Wag kang mag-alala, sir. Alam namin kung kailan ang playtime at alam namin kung kailan kami dapat magseryoso sa misyon," sabi ni Kiran at tumango-tango kaming lahat.

"Malaki ang tiwala ko sa inyo, sa oras na may mangyaring hindi maganda ay tawagan ninyo ako," sabi ni sir Joseph. "Ace at Seven, lagi ninyo akong i-update sa mga nangyayari." Sabi pa ni sir sa dalawa. Si Ace kasi ang leader namin at si Seven naman ang leader sa kabilang grupo.

Alas-singko pa lang nang umaga at madilim pa ang paligid. Maaga kaming aalis dahil malayo rin ang La Union at Ilocos sa Maynila. Halos 8-10 hours din ang biyahe. Dalawang mini bus ang gagamitin namin for the Group A (which is nandoon ako) and group B. Kami kasi ay sa La Union lang ang aming misyon samantalang ang Group B naman ay sa Ilocos Sur. Sayang, gustong-gusto ko pa naman bisitahin ang Vigan.

"Mild, text-text na lang," bilin ko sa kaibigan ko habang nakadungaw ako sa bintana.

"Argh! Gusto ko sa grupo ninyo, Jamie!" Sabi niya na para bang bata na iiyak, palibhasa kasi ay magkasama kami ni Kiryu which is pinaka-close ni Mild sa class zero. "Nasa grupo namin ang panginoon ng lahat nang bugnutin." Napatawa ako sa kanyang sinabi.

"May sinasabi ka?" Biglang sumulpot sa kanyang likod si Seven at mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Mild.

"W-Wala! Mauuna na 'ko sa bus." Nagmamadaling tumakbo si Mild para maiwasan niya si Seven.

Pagkaalis ni Mild ay nagkatinginan kami ni Seven. "Ingat kayo," I mouthed to him.

A little smile formed on his lips. "Kayo man." Sabi niya at naglakad na papasok sa bus nila.

Pagkalingon ko muli sa kabilang gilid ko ay nakatingin sa akin si Kiryu at may malaking ngisi sa kanyang mukha. "Nakita ko 'yon, ang lalandi ninyo." Dugtong niya pa.

"Siraulo." Sabi ko na lamang at sumalo sa kinakain ni Kiryu na pochi.

Pinagmasdan ko ang mga kasama ko na sina Girly na natutulog habang may face mask sa kanyang mukha. Si Ace na nagba-vlog na naman at hindi ko alam kung anong kasiyahan ang nakukuha niya sa kanyang pinaggagawa. Si Claire naman ay nagbabasa ng libro, I don't know kung anong libro ang binabasa niya pero sigurado akong teen fiction ito based on the cover.

Before kaming umalis ay nagdasal muna kami since it will be a long drive. Speaking of drive, si Jessica ang magda-drive sa amin. Nagulat nga ako dahil marunong pa lang mag-drive ang babae na 'to, isa siya sa pinakatahimik na babae sa class zero at bihira lang kumibo.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon