IILAN na lang kaming nandito na Class Zero sa labas dahil tapos nang kumain ang iba. Ako, si Jessica, si Mild, Teddy, at Kiran na lamang ang nandito. Kami kasi ang naka-assign na magligpit ng pinagkainan namin ngayon.
"So Jamie, what's the tea, ice tea?" tanong ni Mild sabay tunggo sa akin habang naghuhugas kaming pinggan na dalawa.
"Anong tea?"
"Jamie, magpaplastikan pa ba tayo rito?" tumaas ang kilay ni Mild. "Ano ang pinag-usapan ninyong dalawa ni Seven? May aminan na bang naganap?"
"Oo nga, Jamie, anong ganap?" Epal ni Teddy at maging si Kiran at Jessica ay naghihintay na sa aking kuwento. Ito naman kasing si Mild, ang hirap ka-tsismisan, ang lakas ng boses.
Matapos kong mapunasan ang isang plato ay ikinuwento ko sa kanila ang lahat ng napag-usapan namin ni Seven. I mean, wala namang importanteng bagay kaming napag-usapan kung kaya siguro ay okay lang naman i-share ito kanila Mild.
After kong magkuwento ay mukhang hindi sila satisfied sa sinabi ko. "Bakit ganyan ang reaksyon ninyo?" tanong ko.
"Iyon na 'yon, Jamie?" tanong ni Teddy.
"Oo, pero ang weird lang noong huling sinabi ni Seven." Sa totoo lang ay bumilis ang tibok ng puso ko that time pero hindi ko na sasabihin sa kanila. Kapag nagkuwento ako kay Teddy at Mild tungkol sa aking nararamdaman ay paniguradong bukas ay alam na ng buong Class Zero iyon.
"Kinilig ka na doon Jamie?" tanong ni Mild habang nililinis niya ang mga foldable table. "Landi na sa 'yo 'yon? Todo na 'yon?"
"Tangina Jamie, ikaw na nga unang mag-I love you kay Seven. Hina ng manok ko. Parang-awa mo na, ikaw na ang mag-first move." sabi ni Teddy at namula naman ako.
"That dude is really not good with words. Base na rin sa kuwento mo, hindi siya agad-agad magsasabi ng totoo." Paliwanag naman ni Kiran. "'Di ba Teddy?"
Tumingin si Teddy kay Kiran. "Huwag mo nga akong tinitingnan Kiran, naba-badtrip ako sa 'yo. Kamukha mo si Kiryu."
"Gago, kambal kami."
"Alam ninyo tumigil na nga kayo, tapusin ninyo na 'yang mga ginagawa ninyo para makatulog na tayo." sabi ni Jessica. Buti na lang may saviour ako dito kahit papaano.
Natapos kami sa pagliligpit at pumunta na kami sa room namin, mahimbing nang natutulog sina Minute, Claire, at Girly pagkapasok namin. Pinatay ko na ang ilaw at binuksan lamp. "Hindi ka pa matutulog, Jamie?" tanong ni Mild.
"Tatapusin ko pa 'tong pinapabasa ni Sir Hector."
"Weh?" napatigil sa pagkukumot si Mild. "Mamamatay ka na ba? Himalang magbabasa ka."
"Oo nga! Sige na, matulog ka na."
Sa lahat ng nangyari ngayong araw, nakita ko ang determinasyon nila Seven at Ace. They are willing to do everything para mas lumakas sila kung kaya't hindi rin dapat akong magpaiwan. Kung gusto kong matalo si Edel, hindi dapat ako mag-settle sa mga bagay na nalalaman ko. I need to broaden my knowledge patungkol sa kapangyarihan ko.
BINABASA MO ANG
Class Zero
FantasyIsa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademiko at mga laro. Ngunit may isang klase sa loob ng Merton Academy ang tinitingala ng lahat ng estudya...