*°Tryshianne POV°*
"Hey girl, how about let's have some fun" Suggest ni Yana na mukhang excited na talaga.I just rolled my eyes. Grabe talaga tong babaeng to eh no? Kahit yata libutin yung buong mundo ng isang araw lang eh hindi pa yata mapapagod. Wag na kayong magtaka kung bakit ganyan ang mga sinasabi ko. Well dahil para kay Yana ang 'Fun' na sinasabi nya ay Gala talaga.
"Out na ako, dahil dyan ang daming disgrasya akong naeencounter" Sabi ko. Tinignan naman nila ako ng sabay-sabay at pinaningkitan ng mata.
"Tulad ng ano, Trysh? Yung nangyari ba sa bar?"
"Hindi yun disgrasya Shianne, SADYA talaga yun ehh"
"Tsaka sa pagkakaalam ko, hindi ganyan ang Tryshianne Aicyll Lopez na nakilala namin noon"
Eto naman tayo, ehh, pag-uusapan na naman yun. It's been 3 days ng mangyari yung sa bar, at grabeng pang-aasar ang inabot ko sa kanila non.
Flashback
Tahimik lang ako sa loob ng kotse samantalang yung mga kaibigan ko puro tawanan, hindi ko naman alam kung ano ang dahilan ng ikinatatawa nila.
Ako kasi yung nagda-drive ehh. Iniisip ko nga na baka mamaya ay mabangga kami dahil wala ako sa sarili, ang pumapasok lang sa isipan ko is yung nangyari kanina sa bar. Gosh!!!! Di ko alam kung ano ang nagawa ko? No! Alam ko pala, tapos hinayaan ko lang ang nangyari. Darn!!!
"Oh. Gosh Trysh!!"
"My God, Aicyll"
"What the!!! Ayaw ko pang mamatay Shianne"
"Huh?" Tanong ko sa kanila. Ano bang pinagsasabi nila?
"Pwedeng pakibagalan mo yung takbo ng kotse?" Sabi nila. Ahh, akala ko pa naman---agad akong napatingin sa speed ng kotse. 180 km/ph.
"Oh sorry, sorry" Hingi ko ng paumanhin ng itinabi ko ang kotse ko sa tabi ng tulay, buti na lang at wala nang masyadong kotse ang nadaan kung hindi....Aish.
"Ano ba, Trysh? Kung gusto mong magpakamatay ng maaga dahil lang sa kiss na yun. Aba, wag mo kaming idamay" Alam nila? Teka, paano? God kung alam man nila, grabeng kahihiyan to.
"P-paano nyo nalaman?" Tanong ko sa kanila. "We saw it all" Diretsong sabi nila habang nakatitig sa mata ko.
"L-lahat?" Tanong ko ulit. "Yes" Sabay - sabay na sabi nila. Bigla naman akong namula. Argggghh. Kainis. Inumpisahan ko ehhh.
"Alam mo kung mamumula ka, pumapangit ka ehh, alam mo yun?" Sabi ni Eylense, grabe talaga tong babaeng to ehh no. Ang harsh masyado. Sinamaan ko naman sya ng tingin pero hindi natinag ang bruha, kaya binawi ko na lang din.
"Tsaka, yung ganyan tingin mo, hindi rin bagay sayo ehhh, para kang isang killer" A-ano daw? Killer? Huhuhu, bakit ganito sila sa akin *pout*.
"Dagdag pa yung pag-pout mo, hindi yan nakakadagdag ng ganda mo ehh, panget ka na nga, lalo ka pang pumapangit" Waaaahhhhh, ayoko na ba't sila ganito?.
Humarap ulit ako sa daanan at nagsimulang mag-drive, silang tatlo, tawa pa rin ng tawa.
"Pero teka, masarap ba?" Tanong ni yana, baliw talaga sya. "Ewan ko sa inyo" Naiinis na sambit ko sa kanila.
Habang nasa byahe, puro lang sila kantyawan sa akin.
"Wooooo. Dalaga na si Trysh"
Yan yung mga sinisigaw nila. Parang mga baliw talaga, hanggang sa makarating kami sa building ng modeling agency namin ay tawanan parin sila.
Tinanong ako ng manager namin kung ano daw ang nangyari, sabi ko malay ko. Sermon tuloy ang abot nila, well except lang naman sa akin.
Yuhoo. Feeling ko, ang saya-saya ko ehh. Kasi para narin akong nakaganti sa kanilang tatlo sa pang-aasar nila sa akin. This time ako naman ang tawa ng tawa dahil sa sinapit nila, kasi ba naman hindi lang sermon ang inabot nila, pinaglinis pa at pinag-squat, hahaha.
End of Flashback
"Hindi ahhh. Yung muntik na tayo mabangga" Sabi ko. Totoo naman ehhh. Tsaka kahit papano, nawala na rin sa isip ko yung nangyari sa bar.
"Asus, palusot mo" Pang-aasar pa nila. "Paniwalaan nyo ang gusto nyong paniwalaan, bahala na kayo" Pagkasabi ko non ay tumayo na ako at pumunta muna sa library.
Naghahanap ako ng libro ng Wattpad, meron naman dito sa library. Teka ano bang maganda? .............. Ayun. Aaaaahhh hindi ko abot, sobrang taas ng cabinet ng pinaglalagyan ng librong to.
Kahit yata magtingkayad ako ehh hindi ko parin abot. "Psh. Pandak kasi" Tapos inabot n'ya sa akin ang libro.
"Than----" Naputol ang sasabihin ko kasi biglang pagharap ko sa lalaki ay ang lapit ng mukha n'ya sa mukha ko.
"Marunong ka palang mag-thank you?" Sabi n'ya habang papalapit ng papalapit yung mukha n'ya sa akin. Bigla ko naman s'yang natulak dahik doon.
"Hindi na ngayon. Dahil may manyak at mayabang na ang nasa harapan ko" Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"What did you say? Mayabang at Manyak? Hindi naman ata" Pagdedepensa nya sa sarili nya.
"I-observe mo na lang ang attitude mo, baka sakaling mahanap mo yung sinasabi ko" Sabi ko at akmang aalis na ng pigilan nya ako.
"What?" Tanong ko. "Let's talk" Seryosong sabi nya. "What if ayoko?" Sabi ko.
"I won't take NO as an answer." Sabi n'ya. Nagulat ako sa tono ng boses nya, sobrang seryoso kasi ehh. Di ko naman namalayan na hinila na n'ya ako paakyat sa rooftop.
"Teka lang, bitawan mo nga ako" Sabi ko, binitiwan naman n'ya ako, grabe ahh, may masamang alaala pa ako dito ehh.
"A-ano bang sasabihin mo?" Tanong ko. "Look, ayaw ko tong gawin pero kinakailangan ehh, just because of my grandmother, she had an brain tumor. She contact me yesterday evening, she said something important to me that before she died, i must do it, this for her." Mahabang sabi nya. Wow ngayon ko lang sya narinig na magsalita ng mahaba ahh.
Teka. "Ano bang gusto mong sabihin. Diretsuhin mo na ako" Sabi ko.
......................
........................
.........
"CAN.YOU.BE.MY.GIRLFRIEND."
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl [COMPLETED]
RandomIt is hard to be a normal girl. Coz you can still encountered different things. Pretending is hard, so life too. Having a life is a blessing but being a lifeless is a worst feeling. It is not my fault if i lied because I just want to be a normal li...