*°Tryshianne POV°*
Unang araw palang ng disyembre pero sobrang lamig na nang simoy ng hangin. Hayy, magpapasko na kasi.Andito ako ngayon sa bahay, nakatambay lang, wala akong magawa, huhuhu, ano bang pwedeng gaw--
*phone ringing*
Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa table sa harap ko at tinignan kung sino ang caller...
....Manager calling...
Sinagot ko ang tawag dahil baka importante ang sasabihin n'ya.
"Hello?"
[Oh. I just want to remind you na bukas na gaganapin ang pictorial n'yo.]
"Yes. Hindi ko po nakakalimutan 'yun."
[O sige na. Papaalalahanan ko pa ang tatlo mong kaibigan.]
"Ge. Ba-bye po."
Binaba ko na rin ang phone ko at parang baliw na nagwawala dito sa sala. Pano ba naman kasi, ako lang ang mag-isa dito sa bahay, wala ang maids, wala ang family ko ,walang guard.
Oh yeah *rolled eye* sobrang boring ng life ko ngayong araw.
*dingdong*
Napatingin ako sa pintuan at nagtatakang tinanong ang sarili ko. "May inaasahan ba ako?" Hayy. Baliw na nga talaga.
Tumayo ako at pinuntahan ang pintuan para lumabas. Nagulat naman ako dahil hindi ko inaasahan ang pagdating n'ya.
"A-auxcex.." Sabi ko. Buti na lang at may suot akong glasses. *sigh*
"Aren't you going to let me in.." Naiinip na sabi n'ya. Ang iksi talaga ng pasensya nito. Kaya laging kang maiinis.
"Bakit ka ba andito? At tsaka paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" Tanong ko habang papalapit sa gate para buksan ito.
"Eh sa gusto kong pumunta dito eh. Tsaka nilagyan ko ng GPS ang phone mo para madali kitang hanapin." Sabi n'ya. Ghad! Nilagyan nya. Paano na lang kung nasa MYC company ako para magmodeling, edi malalaman nya. Wushu, buti na lang at hindi pa ngayon 'yun.
"Bawal kang pumasok dahil wala sila Mommy dito." Sabi ko at hinarangan ng paa ko ang daan papasok sa bahay.
"Eh bakit mo binuksan ang gate?" Naiinis na tanong n'ya. "Eh sa gusto ko lang din eh. Paki mo?" Sabi ko.
Tinulak naman n'ya ako ng mahina at pumasok ng dire-diretso sa loob. Kita ko toh, napala-walang modo talaga n'ya. Kala mo talaga, welcome sa bahay ko, feel at home lang?. Tapos kung makatulak pa akala mo hindi ako babae, aba! Kahit mahina lang iyon, muntik na akong matumba no! Hmmp.!!
Sinundan ko na lang din s'ya papasok sa bahay ko. Hinubad nya ang dala dala nyang backpack at hinagis na lang kung saan saka umupo sa couch na akala mo talaga s'ya ang may-ari. Tsk.
"Hoy! Pwede ba, hindi mo to bahay, wag kang mag feel at home. Ni hindi ka nga welcome dito!" Naiinis na sabi ko. Magkakalat na lang s'ya tapos ako ang magliligpit. Pambawi lang daw n'ya sa ginawa ko nung nasa condo pa n'ya ako.
Hey! Kung alam lang n'ya na hindi ako 'yon, dahil agad na lang akong tumakbo papuntang janitors room. Kung makapagbintang...pero ang totoo s'ya naman ang nagkalat non, pinasa lang sa kin.
"This house is my girlfriend's house. So, this is my house also." Prenteng sabi n'ya at nilipat ang TV sa ibang channel.
"Uy. Umalis ka na, mamaya maabutan ka pa nila Mom eh." Sabi ko at umupo sa mahabang sofa na katapat n'ya.
"And so?" Sabi n'ya. "Anong so? Hoy ikaw na lalaking gorilla ka, kung ayaw mong makatikim sa akin, umalis ka na." Sabi ko. Tumingin naman s'ya akin saka ngumisi.
"Anong ipapatikim mo sa akin? Isang matamis na halik?" Nakangising sabi n'ya.
His PERVERT MODE is ON.
"Pervert!!" Singhal ko sa kanya. "Sa iyo lang naman ako ganito eh." Sabi n'ya at kumindat pa.
Duh! Napaka-perv n'ya talaga. Hindi ko aakalain na ang badboy na kagaya n'ya ay may side pa lang isang pervert. Yuck!! Kadiri s'ya.
Pumunta na lang ako sa kusina at nagtimpla ng juice. "Timplahan mo din ako ng strawberry juice." Rinig kong sigaw n'ya. Adik sa strawberry. Psh.
Sinamahan ko na din sa pagtitimpla 'yung strawberry juice na sinasabi nya. Pagbalik ko sa living room....Aba! Ang gorillang toh, nakapatong pa ang paa sa table habang nakasandal sa couch na inuupuan n'ya.
"Umayos ka nga ng upo. Oh eto na ang juice mo." Sabi ko at binigay sa kanya ang juice n'ya. Bumalik na rin ako sa pagkakaupo ko kanina kung saan ako nakaupo.
"Ano ba yang pinapanood mo?" Tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang pinapanood n'ya. Nagkibit-balikat na lang s'ya. Tignan mo to! Arrggghhh!!! Nakakainis ka talagang gorilla ka. Kung nakakamatay lang ang titig, sana napatay ko na s'ya, pero hindi eh, papatayin ko na lang s'ya sa isip ko.
Nakinood nalang din ako para wala nang maingay. Ay hindi! Maglalaro na lang ako ng Homescape, nakakaadik ang larong toh eh, kahit na kailangan mo laging i-update. Okay lang naman sakin, as long as may mapaglilibangan ako.
*°Auxcez POV°*
Dumating ako sa bahay niya, then siya lang mag-isa. Talaga bang anak siya ng katulong nung sikat na model na nakasama namin sa bar nun?
Looks like, all they've said wasn't true. Hindi halata sa kanya ang pagiging isang anak ng katulong.
Tsaka Mommy?
Looks like they hiding something. Hmm. Tsaka kung tama nga ang hinala ko, sisiguraduhin ko muna bago ikumpirma.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl [COMPLETED]
RandomIt is hard to be a normal girl. Coz you can still encountered different things. Pretending is hard, so life too. Having a life is a blessing but being a lifeless is a worst feeling. It is not my fault if i lied because I just want to be a normal li...